Trina Candaza, lumipat na sa kanilang "new home" kasama ang anak

Trina Candaza, lumipat na sa kanilang "new home" kasama ang anak

- Sa kanyang ibinahaging video sa kanyang YouTube channel, pinakita ni Trina Candaza ang kanilang new home

- Kapansin-pansin na tanging ang anak lamang nila ni Carlo Aquino na si Enola Mithi ang kasama niya sa binahaging video

- Minabuti niya rin na sagutin ang mga netizens na nagsasabi sa kanya na magpataba na siya dahil umano sa pagiging payat niya

- Nilinaw niyang hindi siya nag-diet ngunit hindi lang talaga siya tumataba sa kasalukuyan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kasunod ng kanyang mga makahulugang post kamakailan na naging basehan ng ilang netizens para sabihing hiwalay na sila ni Carlo Aquino, pinakita ni Trina Candaza ang kanilang new home sa isang bagong YouTube video.

Trina Candaza, lumipat na sa kanilang "new home" kasama ang anak
Carlo Aquino at Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Kapansin-pansin na tanging ang anak lamang nila ni Carlo Aquino na si Enola Mithi ang kasama niya sa binahaging video.

Read also

Cristy Fermin sa pagpo-post ni Kris Aquino sa gitna ng sakit: “Kung minsan talaga ay nakapagdududa”

Marami naman ang humanga sa kanya sa pagiging malakas umano niya. Mayroon ding nagbahagi ng encouraging messages:

Hats off to you for having the courage to walk away. Sana wag mo na balikan. I am more more than twice your age pero mas matapang ka sa akin. Men like my husband and your ex will never change. They can cry & beg for forgiveness but will still cheat whenever they get the chance. I wish you well and prayers for you and your little one

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hi Trina! 1st and foremost, kudos to your courage & strength I also wanted to mention, if you haven't already done so, try to get a check up and ask them to check your thyroid. I had a friend who also lost weight dramatically with no changes to her diet or activities and her thyroid turned out to be the cause. Sending hugs to you & Mithi! Strong girls

Read also

Zia Dantes, hinangaan sa pagiging matulungin nito sa gawaing bahay

Whatever it is you may go through, Always remember you can tell it to the Lord. Keep safe, stay strong and move forward. Ive subscribe to your channel. God bless you and Mithi.

Ang karelasyon ni Trina na si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noong siya ay bata pa lamang ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Matapos ang muling tambalan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, napabalita ang tungkol sa namuong pagtitinginan nila ni Trina Candaza hanggang sa tuluyan na nilang inamin ang kanilang relasyon. Ibinahagi din nila sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Trina noon.

Samantala, matapos ang pagsikat ng Korean series na Squid Game, ibinahagi ni Carlo na kabilang sana siya sa cast ng naturang serye. Ibinahagi niya ang natanggap na sorpresa mula sa Netflix kasunod ng kanyang rebelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel