Anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, kinaaliwan ng mga netizens

Anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, kinaaliwan ng mga netizens

- Ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang isang cute na video kung saan kasama niya ang kanyang mag-ama

- Kalakip ito ng kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang mister na si Arthur Solinap

- Sa kanyang ibinahaging video, makikita ang anak nilang si Shiloh na kumakanta sabay banggit ng sikat na linya ng Sexbomb dancers na "Get, get, Aw!"

- Marami ang naaliw sa pagiging cute at bibo ng anak ng mag-asawa na naging kid ambassador na rin ng isang clothing brand sa murang edad nito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bibong-bibo at kinaaliwan ang anak ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa ibinahaging cute na video ni Rochelle bilang pagbati sa kanyang mister na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, kinaaliwan ng mga netizens
Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)
Source: Instagram

Sa kanyang ibinahaging video, makikita ang anak nilang si Shiloh na kumakanta sabay banggit ng sikat na linya ng Sexbomb dancers na "Get, get, Aw!"

Read also

Sylvia Sanchez, maghihintay nalang umano ng apo dahil malaki na ang bunsong anak

Makikita din ang masayang tawanan nilang mag-anak habang kinikiliti ng ama si Shiloh sa tuwing babanggitin niya ang salitang "Aw!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang naaliw sa pagiging cute at bibo ng anak ng mag-asawa na naging kid ambassador na rin ng isang clothing brand sa murang edad nito. narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

My fave baby super pretty at nkakagood vibes tlga ❤️ thanks for the daily dose of GV Shiloh.Literal na pinalaki ng sexbomb! hahaha!
Super cute! legit na anak ng sexbomb! happy birthday sa daddy, get get aw!! Cute2 tlaga ni shiloh, happy family
What an amazing happy family!!! ❤ happy birthday sa driver ni pepito manaloto. Este, mr @arthursolinap po pala hehe. God bless you and your family.

Read also

BF, sa paboritong online game nila ng GF ginawa ang wedding proposal

Si Rochelle Pangilinan ay isang dancer, actress at recording artist. Isa siya sa founding members ng sikat na dance group na SexBomb Girls. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagsayaw at maging sa pag-rap. Ikinasal siya sa dating dancer din na si Arthur Solinap at nabiyayaan sila ng isang anak na babae.

Kamakailan ay ibinahagi ni Rochelle ang kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang mister.

Naging usap-usapan din ang pagsayaw ni Rochelle ng kanilang sikat na sayaw ng "Spaghetti" song kasama ang Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel