Ikalawang quarantine violator na tinaguriang si 'Massage Girl', kakasuhan na rin

Ikalawang quarantine violator na tinaguriang si 'Massage Girl', kakasuhan na rin

- Kakasuhan na rin ang ikalawang nakumpirmang quarantine violator na tinaguriang si 'Massage Girl'

- Sinasabing hindi raw ito nagtungo sa kanyang quarantine hotel at dumiretso sa kanyang condo unit

- Nagawa pa raw nitong magpa-home service ng masahe at nai-post pa niya ito sa kanyang social media

- Bukod pa rito, ilang pagtitipon din ang kanyang nadaluhan at napag-alamang madalas itong lumabas ng kanyang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sasampahan na ng kaukulang reklamo ang tinaguriang si "Massage Girl" Maria Bernalyn Muñoz matapos makumpirmang siya ang ikalawang nahuli na lumabag at hindi umano nag-quarantine.

Ayon sa Inquirer, Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang naghain ng reklamo sa quarantine violator na hindi dumiretso sa kanyang quarantine hotel nang dumating siya sa bansa noong Disyembre 22.

Sa ulat ng ABS-CBN, imbis na sumakay sa shuttle service na magdadala sana sa kanya sa quarantine hotel at sumakay ng airport taxi si Muñoz at umuwi sa kanyang condo unit sa BGC.

Read also

Karen Davila at kanyang pamilya, nag-positibo sa COVID-19

Makailang beses pa raw itong umalis sa kanyang condo at noong Disyembre 29, nagawa pa raw nitong magpamasahe at nai-post pa raw ito sa kanyang social media.

Ayon pa sa ulat ng News 5, bagaman at nagnegatibo naman sa COVID-19 test si Muñoz, mahaharap pa rin ito sa kasong violatiion of Section 9 of RA 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act na nai-file sa Makati Prosecutors Office.

May kaukulang fine ito na Php50,000 o anim na buwang pagkakakulong o maaring pareho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang gumawa ng ingay sa publiko ang tinaguriang 'Poblacion girl' na si Gwyneth Chua matapos na dumalo ng isang party gayung dapat siya'y naka-quarantine.

Galing din sa Amerika si Gwyneth na sa kasamaang palad ay lumabas na positibo sa COVID-19. Nagpositibo rin sa virus ang ilan sa kanyang mga nakahalubilo sa party gayundin ang ilang restaurant staff.

Read also

Ina ng magkapatid na Maguad, may update sa isa pang suspek: "The other is a sacristan"

Kamakailan ay nagpaunlak ng interview sa media ang isa sa mga dumalo sa party na si Carlos Laurel. Nilinaw nitong hindi talaga invited si Gwyneth at kasama lang daw ito ng kaibigan ng kanyang pinsan.

Gayunpaman, pinag-aaralan at pinag-iisipan daw ng kanilang pamilya kung magsasampa rin sila ng reklamo kay Gwyneth ngunit sa ngayon, prayoridad nila ang paggaling ng mga nagpositibo rin sa COVID-19 na nakasama nila sa party.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica