Pamilya ng nakasalamuha ni Poblacion Girl, pinag-iisipan ang pagsasampa ng kaso sa kanya

Pamilya ng nakasalamuha ni Poblacion Girl, pinag-iisipan ang pagsasampa ng kaso sa kanya

- Pinag-iisipan pa umano ng pamilya ni Carlos Laurel at ng kanyang pamilya ang pagsasampa ng reklamo laban kay 'Poblacion Girl'

- Mas iniisip pa rin umano nila Laurel kung ano ang mas makabubuti ngayong ilan sa kanila ang nag-positibo sa COVID-19

- Matatandaang una nang naglabas ng pahayag si Laurel tungkol sa insidente at sinabing hindi umano nila imbitado si 'Poblacion Girl'

- Samantala, nasampahan na ng kaukulang reklamo si Poblacion Girl na pinangalanang si Gwyneth Chua gayundin ang boyfriend nito at ang hotel personnel ng tinutuluyan nito para sana mag-quarantine

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinag-iisipan at pinag-uusapan pa umano nina Carlos Laurel at ng pamilya nito ang pagsasampa ng reklamo laban sa binansagang 'Poblacion Girl' na si Gwyneth Chua.

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa umano'y paglabag sa quarantine protocol ng dalaga na mula sa Amerika at naki-party sa pamilya nina Laurel.

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Pamilya ng nakasalamuha ni Poblacion Girl, pinag-iisipan ang pagsasampa ng kaso sa kanya
Carlos Laurel (@CarlosLaurelOfficial)
Source: Facebook

Ilang araw matapos ang kaganapan, lumabas ng positibo si Chua sa COVID-19 dahilan para mahawahan umano nito ang mga nakahalubilo nila sa party nina Laurel.

Sa panayam ng Unang Hirit kay Laurel sinabi nitong mas iniisip ngayon ng kanilang pamilya kung ano ang mas makabubuting gawin lalo na at prayoridad muna nila ang paggaling ng mga nagkaroon ng sakit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pinag-uusapan pa po. Our main concern at this point is magpagaling sa mga maysakit at pinag-iisipan kung ano yung pinakatamang gawin with regards to our family’s position at this point. Kasi sa akin personally, aspiring councilor po ako sa Tanauan, and you know the election is in May so I don't want to spread as much negativity or as much spotlight on this situation as possible. We are compliant with anything that CIDG ask so, like I said, maraming naapektuhan dito. Talagang pinag-iisipan namin ang tamang gawin"

Read also

Direk Joey Reyes, nagbahagi ng open letter para kay "Poblacion girl"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa GMA News:

Base sa detalye na naibigay ni Carlos Laurel, Disyembre 23 nang isama ng nakababata niyang pinsan sa kanilang get-together sina Gwyneth Chua aka Poblacion Girl at boyfriend nito.

Napag-usapan na lamang nila kung paano napasama sa grupo ang dalawa nang lumabas nga ang resulta na positibo sa COVID-19 si Chua at ipinaalam sa kanila upang makapagpa-test na rin.

Nasampahan na ng kaukulang kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police si Gwyneth at boyfriend nito. Gayundin ang mga magulang niya at hotel personnel ng lugar kung saan dapat ito'y naka-quarantine at hindi muna nakalabas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica