Kris Aquino, inulan ng suporta mula sa mga kasamahan niya sa showbiz

Kris Aquino, inulan ng suporta mula sa mga kasamahan niya sa showbiz

- Sa mga pictures ni Kris Aquino na ibinahagi niya sa kanyang Instagram post, marami ang nabahala dahil sa sobrang payat nito tingnan

- Ani Kris, nakatakda siyang pumunta sa ibang bansa upang masuri ang mabilis na pagbaba ng kanyang timbang

- Umabot lamang sa 40 kilos ang kanyang timbang kaya kailangan niyang dumaan sa mga pagsusuri at mga treatment sa abroad

- Aniya, kahit noong 2018 pa ay alam na niyang treatment lamang ang maaring gawin sa kanyang auto-immune disease ngunit wala na itong lunas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang pagbabahagi ng katotohanan kaugnay sa paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento, ibinahagi din ni Kris Aquino ang mga pictures niya na ikinabahala hindi lamang ng kanyang mga tagasuporta kundi maging ng mga kasamahan niya sa showbiz.

Kris Aquino, inulan ng suporta mula sa mga kasamahan niya sa showbiz
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Ani Kris, nakatakda siyang pumunta sa ibang bansa upang masuri ang mabilis na pagbaba ng kanyang timbang. Umabot lamang sa 40 kilos ang kanyang timbang kaya kailangan niyang dumaan sa mga pagsusuri at mga treatment sa abroad.

Read also

Gary V sa kanta niyang 'Take me out of the dark': "It's never a performance"

Tanggap niya na sa kanyang sarili na walang lunas sa kanyang sakit ngunit maaring maging maayos ang kanyang kalusugan sa pamamagitan ng mga treatment.

Bumuhos naman ang dasal at mensahe ng supporta kay Kris mula sa mga showbiz personalities kagaya nina K Brosas, Neri Miranda, Melai Cantiveros, Ogie Alcasid, Kiko Pangilinan, Darla Sauler at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi lamang physical kundi emotional healing ang dasal ng mga supporters niya para sa kanya. Ito ay sa gitna ng kanyang pinagdadaanan matapos nilang maghiwalay ni Mel Sarmiento. Ibinahagi niya ang huling mensahe nito para sa kanya.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Vice Ganda, pinasilip ang kanyang sosyaling shopping para sa kanyang pangregalo

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailanlang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel