Madam Inutz, todo-pasalamat sa manager niya sa suporta nito sa kanya

Madam Inutz, todo-pasalamat sa manager niya sa suporta nito sa kanya

- Hindi man napasali sa Top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, abot-abot pa rin ang pasasalamat ni Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kabilang ang kanyang manager na si Sir Wilbert Tolentino sa kanyang binanggit na aniya ay hindi siya binitawan kahit pa katakot-takot na pamba-bash ang inabot niya

- Ani Madam Inutz, hindi man siya pinalad na mapasama sa Top 2, may binigay namang bahay sa kanya si Sir Wil

- Hindi umano siya nagkamaling si Sir Wil ang kanyang pinili para maging manager niya sa kanyang showbiz career

Ibinahagi ni Madam Inutz ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya lalo na ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino. Aniya, hindi siya nito binitawan kahit pa katakot-takot na pamba-bash ang inabot niya.

Madam Inutz, todo-pasalamat sa manager niya sa suporta nito sa kanya
Madam Inutz (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Madam Inutz, nag-post ng picture kasama si Chie Filomeno

Kabilang umano sa kanyang natutunan sa kanyang manager ay kung paano i-handle ang mga bashers:

"Deadma lang. pag pinansin mo yan, hindi ka busy."

Ani Madam Inutz, hindi man siya pinalad na mapasama sa Top 2, may binigay namang bahay sa kanya si Sir Wil. Hindi umano siya nagkamaling si Sir Wil ang kanyang pinili para maging manager niya sa kanyang showbiz career.

Tandaan mo eto mahal ka ng mga kainutz at pamilya ko. Hindi man ako tinanghal na top 2 sa PBB Kummunity Season 10, may pa bahay ka naman‼️ Mabuhay ka at more blessings sayo‼️ Hindi ako nag kamali na ikaw ang pinili ko maging manager‼️ The best ka‼️

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel