Wilbert Tolentino, tinanggap ang statement ng mga fans ni Alexa Ilacad

Wilbert Tolentino, tinanggap ang statement ng mga fans ni Alexa Ilacad

- Tinanggap ni Wilbert Tolentino ang official statement ng mga fans ni Alexa Ilacad

- Ito ay patungkol 'di umano sa mga natatanggap na hate comments ni Madam Inutz sa mga sinasabing fans ng isa sa mga latest evictee na si Alexa

- Ayon sa pahayag, nilinaw nilang may ilang mga gumagawa ng paninira na hindi naman umano mula sa kanilang grupo

- Gayunpaman pinaalalahanan na rin ng admin ng fandom ang kanilang grupo na maging marespeto kaninoman

- Bilang pagtanggap, susuporta pa raw si Wilbert kay Alexa sakaling maging wildcard ito sa PBB Season 10

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinanggap ni Wilbert Tolentino ang umano'y statement ng official fans club ni Alexa Ilacad.

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay sa mga hate comments na natatanggap ni Madam Inutz na sinasabing mula sa fandom ni Alexa.

Read also

Eric Tai, buong pagmamalaking ibinida ang misis; umalma sa body-shaming

Sa nasabing statement nakalahad na may ilang mga tao o grupo na gumagamit ng mga larawan at pangalan ng official fans club sa paninira kay madam Inutz.

Wilbert Tolentino, tinanggap ang statement ng mga fans ni Alexa Ilacad
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo from Wilbert Tolentino)
Source: Facebook
"We want to clarify the hate comments and bashing. Those are mostly made by troll accounts. Honestly we have been reporting accounts using Alexa's username/ pictures and pretending to be a fan on social media to include the image of the fandom and create fanwars"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, pinaalalahanan na rin umano ng naturang admin ng grupo ang kanilang mga miyembro na maging marespeto kaninoman at ayaw talaga nilang masakngkot sa anumang gulo o away.

"To all Alexanators, please try to always respect others. Stop all the bashing and the hate comments. If Alexa will see all of these, she will be disappointed and sad because she loves her Mama Inutz"

Read also

Andi Eigenmann, ilalaan sa Siargao ang kita ng ilang YouTube videos nila

At dahil dito, hiniling pa ni Sir Wil na si Alexa ang di umano'y mapili para maging wildcard entry sa Pinoy Big Brother Season 10 at suportado pa raw niya ito.

"Let's pray po na si Alexa ang WILDCARD at full support po ako sa inyo with all my heart"

Narito ang kabuuan ng kanilang mga pahayag:

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Isa rin si Madam Inutz sa mga official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10. Bago pumasok sa bahay ni Kuya, ibinigay na ni Wilbert ang kanyang regalong bahay at lupa kay Madam Inutz para magsilbing motivation nito sa pagsabak sa PBB.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel