PBB Anji, bumuhos ang emosyon nang makausap ang ina tungkol sa kanyang ama

PBB Anji, bumuhos ang emosyon nang makausap ang ina tungkol sa kanyang ama

- Bumuhos ang emosyon ng PBB housemate na si Anji nang makausap niya ang kanyang ina

- Kamakailan kasi ay naibahagi ni Anji kay Big Brother ang tungkol sa kanyang ama na inakala niyang iniwan na lamang talaga sila nito

- Base sa kwento ng ina ni Anji, bigla na lamang nawala ang kanyang mister na kausap lamang niya hanggang sa hindi na nasundan pa ang kanyang mga text

- Doon lamang naipaunawa umano ng ina ni Anji sa kanya ang totoong nangyari ngayong nasa wastong edad na raw ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos ang matinding emosyon sa Pinoy Big Brother house nang bigyan ng pagkakataon ni Kuya si Anji na makausap ang kanyang mommy.

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan na naibahagi ni Anji kamakailan kay kuya tungkol sa kanyang ama na hindi na umano sila binalikan.

Read also

Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"

Labis ang hinanakit ni Anji gayung naririnig niya umano sa kanila na may ibang pamilya na ang kanyang ama.

PBB Anji, bumuhos ang emosyon nang makausap ang ina tungkol sa kanyang ama
Anji Salvacion (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa unang panayam naman ni Kuya sa ina ni Anji, sinabi nitong bigla na lamang talaga nawala ilang oras mula nang nakakatext pa niya ito sa Guam.

Idineklarang missing person ang ama ni Anji na magpasa-hanggang ngayon ay walang kumpirmasyon kung nasaan ito.

Kaya naman tinanggap na lamang umano ng ina ni Anji na malaki ang posibilidad na sumakabilang-buhay na ito.

"Paano na siya babalik kung wala na siya," paliwanag ng ina ni Anji sa kanya.

Sinabi rin nitong mahal na mahal si Anji ng kanyang ama na hindi naman nagkulang sa kanila noong nakakasama pa nila ito.

Nag-sorry naman si Anji sa kanyang ina dahil sa mga naisip niya sa kanyang Daddy nais pa rin sana niyang madama ang pagmamahal mula rito.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang kanyang pagkain para sa mga nag-aalalang fans; "Takaw ko nga e!"

Narito ang kabuuan ng video mula sa Pinoy Big Brother YouTube:

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita.

Bukod sa komedyanteng si Brenda Mage, official housemates din sina Madam Inutz, Alexa Ilacad, volleyball star na si Alyssa Valdez at Miss Grand International 1st runner-up na si Samantha Bernardo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica