Hashim Alawi, napagulong sa sakit nang subukan ang pregnancy simulator

Hashim Alawi, napagulong sa sakit nang subukan ang pregnancy simulator

- Sumabak sa pregnancy simulator challenge si Hashim Alawi para masubukan kung kakayanin niya ang sakit na nararanasan ng mga ina kapag nanganganak

- Napagulong ito sa sahig nang itodo ang bilang ng antas ng sakit matapos makuha ng kapatid niyang si Ivana Alawi ang control ng simulator

- Pinaamin siya ni Ivana kung sino umano ang kausap nito sa social media sa pamamagitan ng pagpapataas ng level sa simulator

- Napabilib naman si Hashim sa mga ina lalo nang sabihin ng ina niya na hindi pa iyon ang sakit na nararanasan ng ina sa totoong panganganak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napagulong sa sakit si Hashim Alawi nang sumabak siya sa pregnancy simulator challenge para masubukan kung kakayanin niya ang sakit na nararanasan ng mga ina kapag nanganganak. Mayroong labinlimang antas ang nakalagay sa naturang simulator.

Read also

Magsasaka sa KMJS na nagpaiyak sa marami, muling nabigyan ng tulong

Hashim Alawi, napagulong sa sakit nang subukan ang pregnancy simulator
Hash Alawi (@hash.alawi)
Source: Instagram

Maging ang kanyang inang si Mama Alawi ay sinubukan ang simulator at natawa ito nang maramdaman na umano'y parang may sumisipa sa kanyang tiyan. Maging si Ivana ay sumubok din at kagaya ng kanyang ina at kapatid, napagulong siya sa sakit.

Gayunpaman, nang si Mona na ang sumubok, tila kayang-kaya nito ang sakit. Napabilib naman si Hashim sa mga ina lalo nang sabihin ng ina niya na hindi pa iyon ang sakit na nararanasan ng ina sa totoong panganganak.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dami kong tawa sa vlog na ito! I love Hash saying, "oh my baby!" Tapos pinipilit pa syang paaminin kung sino kaIG nya. May pagblackmail. Love it! Thanks for bringing us happiness and laughter.
Mangiyak-ngiyak na ako kase ramdam ko yung sakit talaga ng panganganak. Naalala ko tuloy kung paano ako nag labor sa baby girl ko. She's turning 2 this coming December 28. Gusto ko maiyak pero natatawa ako sa tawa ni Mama Alawi

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang kanyang pagkain para sa mga nag-aalalang fans; "Takaw ko nga e!"

Antaas ng pain tolerance ni Mona. No wonder napaka strong nya lumaban sa nararamdaman nya. Good vibes lang talaga ang video nato. Dami ko din tawa

Si Hashim Alawi ay kapatid ng aktres na sumikat sa kanyang mga YouTube videos. Matapos ang ilang beses na paglabas niya palagi sa mga video ng kapatid, marami ang humanga sa kanya.

Kamakailan ay sinorpresa ni Ivana si Hashim sa pamamagitan ng pakikipag collab nito kay Donnalyn. Unang beses na inamin ni Hashim na hinahangaan niya si Donnalyn sa isang vlog ni Ivana kung saan naibunyag nito ang tungkol sa paninigaw sa kanya ng isang TV host.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate