Jenny Miller, nasasaktan sa panghuhusga sa kapatid niyang si Eian Rances

Jenny Miller, nasasaktan sa panghuhusga sa kapatid niyang si Eian Rances

- Matapos ang matinding pambabatikos kay Eian Rances, inamin ni Jenny Miller na nasasaktan siya sa mga panghuhusga sa kapatid

- Aniya, maaring may pagkukulang ang kanyang kapatid ngunit sana ay mabigyan siya ng chance

- Matatandaang naging usap-usapan ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Alexa Ilacad kamakailan

- Gayunpaman, kasunod nito ay unti-unti na ring naging maayos ang pakikitungo niya sa aktres

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Jenny Miller ang kanyang saloobin sa mga pambabatikos sa kanyang kapatid na si Eian Rances kamakailan. Si Eian ay isang housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Jenny Miller, nasasaktan sa panghuhusga sa kapatid niyang si Eian Rances
Pinoy Big Brother House (Photo from Flickr)
Source: UGC

Ani Jenny, mabuting tao ang kanyang kapatid at nasasaktan sila sa panghuhusga ng mga bashers kay Eian. Aniya, kagaya sa karamihan, siguro ay may pagkukulang din siya at sana ay mabigyan ito ng pagkakataon.

Read also

Brenda Mage, kinompronta si Eian Rances tungkol kay Alexa Ilacad

Mabuting tao po kapatid ko na c @EianRances. We are deeply hurt with all the accusations of the bashers who easily judged him. Siguro may mga pagkukulang sya just like everybody else. Sana po let’s give him a chance

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usapan ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Alexa Ilacad kamakailan. Gayunpaman, kasunod nito ay unti-unti na ring naging maayos ang pakikitungo niya sa aktres.

Matapos ang pagkakanominate sa kanya noong nakaraang linggo, pinasalamatan ni Jenny ang lahat ng mga bumoto upang hindi matanggal ang kapatid.

We are grateful to those who helped @EianRances last night at sa mga patuloy pa po naniniwala at lumalaban para sa kapatid ko, si Lord na po bahala magbalik ng kabutihan nyo. God bless your good heart

Read also

Wilbert Tolentino sa pagkakaligtas ni Madam Inutz: "Deserve mo isalba kita teh Daisy Lopez"

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Matatandaang naging isa sa trending topic ang naging asal ni Justin Dizon kay Jie-Ann noong nakaraang season ng Pinoy Big Brother.

Samantala, Bago ang eviction nila ni TJ, nauna nang na-evict si Kyle Echarri.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel