Nikki Valdez, sumailalim sa in vitro fertilization (IVF) procedure

Nikki Valdez, sumailalim sa in vitro fertilization (IVF) procedure

- Ibinahagi ni Nikki Valdez ang kanyang mensahe para sa kanyang mister para sa kanilang pitong taon bilang magkarelasyon

- Dito ay pinasalamatan niya ang mister sa pagmamahal nito sa kanya sa kabila ng kanilang pinagdaanan

- Naibahagi din ng aktres ang ilang litrato kung saan sumubok sila sa in vitro fertilization (IVF) procedure

- Gayunpaman, nabanggit niya rin na nawala ang kanilang 'embaby'—ito ang embryo na nabubuo sa IVF

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang mensahe para sa ika-pitong taon nilang magkarelasyon ng kanyang mister, naibahagi ni Nikki Valdez ang pagsasailalim nila sa in vitro fertilization (IVF) procedure upang magkaroon ng baby. Gayunpaman, nabanggit niya rin na nawala ang kanilang 'embaby'—ito ang embryo na nabubuo sa IVF.

Nikki Valdez, sumailalim sa in vitro fertilization (IVF) procedure
Photo from Nikki Valdez (@nikkivaldez_)
Source: Instagram

Pinasalamatan ng aktres ang mister sa hindi nito pagsuko sa kanilang pagmamahalan sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan Ani Nikki, masaya siya magkaroon man sila ng bagong baby o hindi.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, pinakita ang kanilang Christmas tree na may sentimental value

I am grateful for you my love and I am very happy (with or without another baby) to have come this far with you, beside you and will continue to do so till my last breathe. I will always hold your hand as you have held mine… YOU AND ME, through the years.

Aniya, kahit 7 taon pa lamang sila ay pinagdiriwang nila ang kanilang pagmamahalan na sinubok din ng maraming beses.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

I know 7 years is nothing compared to other relationships that last a decade or more but we celebrate this day because with everything we went through— from alternate visits to the hospital to trying to have a baby and losing our little “embaby”— we are here constantly making that choice to love each other.

Read also

Kryz Uy at Slater Young, lalaki uli ang pangalawang anak

Nakilala si Nikki Valdez sa kanyang pagganap ng mga supporting roles sa mga pelikulang Hey Babe (1999) at Got 2 Believe (2002). Isa siya sa mga Kapamilya stars na hayagang nagpakita ng kanyang pagsuporta sa ABS-CBN nang mapasara ito kamakailan.

Isa si Nikki sa mga artistang matapang maghayag ng kanyang saloobin. Matapos pumutok ang isyu tungkol sa korapsyon sa Philhealth, inilabas ng aktres ang kanyang saloobin hinggil sa isyu.

Binuweltahan naman siya ni Jobert Sucaldito matapos umanong ikumpara ni Nikki ang pagpapasara sa ABS-CBN sa anomalya sa Philhealth.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel