Nikki Valdez, binanatan ang mga "nagkasakit" na matataas opisyal ng PhilHealth

Nikki Valdez, binanatan ang mga "nagkasakit" na matataas opisyal ng PhilHealth

- Binanatan ni Nikki Valdez ang ilang matatas na opisyal ng PhilHealth sa kanyang social media account

- Ito ay matapos lumabas ang balitang hindi makakadalo ang dalawa sa mga opisyal ng PhilHealth sa pagdinig sa senado

- Nagprisenta ang mga kampo ng mga ito ng patunay na sila ay mayroong medical condition

- Inihambing ng aktres ang mga opisyal ng PhilHealth sa mga boss niya sa ABS-CBN na buong tapang na humarap sa mga hearings

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na binanatan ng Kapamilya actress na si Nikki Gil ang mga opisyal ng PhilHealth Insurance Corp. kaugnay sa kanilang pagsumite ng mga patunay na sila ay may health conditions kaya hindi sila makakadalo sa Senate hearings.

Sa isang tweet, ikinumpara ni Nikki ang mga ito sa mga ABS-CBN bosses na palaging dumadalo sa mga hearings sa kabila ng kanilang pagod.

Nikki Valdez, binanatan ang mga "nagkasakit" na matataas opisyal ng PhilHealth

Photo courtesy of Wikimedia Commons
Source: Facebook

"Yung mga boss po namin sa ABSCBN present sa lahat ng hearings. Mga walang tulog at pahinga maipagtanggol lang ang kumpanya namani Nikki.

Kinuwestiyon niya ang dahilan ng mga opisyal ng PhilHealth. "Sa Philhealth di pa nagsisimula ang hearing, maysakit na yung mga tatanungin?" dagdag pa niya.

Ibinahagi ng aktres ang kanyang saloobin matapos lumabas ang balitang ipinadala umano ni PhilHealth president at CEO Ricardo Morales ang kanyang medical certificate na nagsasaad na makokompromiso ang kanyang kalusugan dahil siya ay kasalukuyang nagpapagamot ng kanyang sakit na lymphoma kung dadalo siya sa hearing.

Nakasaad din doon na iminungkahi umano ng kanyang doktor na mag-leave of absence siya.

Ang executive vice president naman na si Arnel de Jesus ay nag-abiso kay Senate President Tito Sotto na dahil sa “unforeseen medical emergency” ay hindi ito makakadalo sa Senate inquiry na nakatakdang magaganap sa Martes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang tweet ay sinabi ni Nikki na dapat ay harapin ng mga taong sangkot ang mga alegasyon, may sakit man o wala.

"Pag may nagawa kang hindi maganda, hindi pwede ang easy way out. At kung wala talaga kayong ginawa or ginagawang mali, harapin ninyong lahat. Maysakit man o wala," ani Valdez.

Nakilala si Nikki Valdez sa kanyang pagganap ng mga supporting roles sa mga pelikulang (Hey Babe) (1999) at Got 2 Believe (2002). Isa siya sa mga Kapamilya stars na hayagang nagpakita ng kanyang pagsuporta sa ABS-CBN nang mapasara ito kamakailan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Inihayag niya ang kanyang saloobin matapos ang pagbasura ng prangkisa ng ABS-CBN. Ikinabahala niya rin na posibleng mawalan ng trabaho ang kanyang asawa dahil sa nangyari sa Kapamilya Network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel