Ethel Booba, lampas 1 million na ang YT subscribers; namahagi ng biyaya sa mga Aeta

Ethel Booba, lampas 1 million na ang YT subscribers; namahagi ng biyaya sa mga Aeta

- Piniling mamahagi ni Ethel Booba ng mga biyaya sa isang Aeta community

- Ito ay bilang pasasalamat sa pagkamit niya ng isang milyong subscribers sa YouTube

- Bukod sa pamamahagi ng mga pagkain, nagbigay kasiyahan din si Ethel nang handugan niya ng kanta at palaro ang mga katutubo

- Ayon pa kay Ethel at partner niyang si Chef Jessie, ipinakita nila ang pagtulong upang pamarisan ng iba at ipakita ang kalagayan ng mga Aeta na tila nakakalimutan na ng karamihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mahigit isang milyon na ang YouTube subscribers ni Ethel Booba. Bilang bahagi ng selebrasyon sa tagumpay niyang ito naisip niyang mamahagi ng biyaya sa mga Katutubong Aeta.

Bagaman at biglaan lamang umano ang pasinaya, siniguro naman nina Ethel na makapagpapasaya sila ng mga kababayan natin nangangailangan ng tulong.

Ethel Booba, lampas 1 million na ang YT subscribers; namahagi ng biyaya sa mga Aeta
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Tulong-tulong silang nag-pack ng mga de lata, bigas at iba pang pagkain na ipamamahagi nila sa napiling Aeta community.

Read also

Pamilyang nakatira sa sementeryo at kumakain lamang ng pagpag, natulungan ni Raffy Tulfo

Matapos ang re-packing, agad silang nagtungo sa kababayan nating Aeta na agad silang sinalubong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pamamahagi ng mga pagkain, naghandog din si Ethel ng awitin at mga palaro sa mga katutubo na labis na nagpasaya sa mga ito.

"Maliit man na tulong is tulong pa din," ani Ethel. Sinabi rin nila ng kanyang partner na si Chef Jessie na hindi nila ibinahagi ang video para ipagmalaki kundi para pamarisan ng iba gayung marami sa ating mga katutubo ang tila hindi umano napupuntahan para mabigyan ng tulong o anuman na kanilang kinakailangan.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ethel Booba ay isa sa kilalang mahusay na singer at komedyante sa bansa.

Kamakailan, nag-viral ang duet nila ni Madam Inutz sa Sing Galing SingLebrity Edition kung saan kinanta nila ang 'It's all coming back' ni Celine Dion.

Read also

MC Muah, na-trauma tuwing nagdiriwang ng birthday: "Baka may mangyari na namang masama"

Matatandaang si Ethel Booba at Donita Nose ang mga unang bumisita at nagpaabot noon ng tulong kay Madam Inutz matapos mag-viral.

Bagaman at nagkaroon sila ng isyu sa umano'y hindi pagpapaunlak ni Madam Inutz sa muling pagbisita nina Ethel at kanyang grupo, naayos na rin ito sa pamamagitan na rin ng manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino.

Matapos ito, pinakaabangan ng publiko ang muling pagkikita ng dalawa sa Sing Galing at malinaw na nagkaayos at nagkaintindihan na rin ang mga ito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica