Buboy Villar, emosyonal nang ihatid sa airport ang panganay na anak na si Vlanz

Buboy Villar, emosyonal nang ihatid sa airport ang panganay na anak na si Vlanz

- Ibinahagi ni Buboy Villar ang isang video kung saan sinusulit niya ang nalalabing panahong makakasama ang panganay na anak na si Vlanz

- Kailangan nitong pumunta sa Amerika kung nasaan ang dating partner ni Buboy na si Angillyn Gorens para maayos ang kanyang dual citizenship

- Hindi naman napigilang maiyak ni Buboy lalo na nang makaalis na ang anak nang ihatid niya ito sa airport

- Pinasalamatan naman niya ang pamilya ni Angillyn dahil sa tulong nila upang mas lalong mapabuti ang future ng anak niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mixed emotions daw ang naramdaman ni Buboy Villar sa huling araw na nakasama niya ang panganay na anak na si Vlanz. Kahit alam niyang malulungkot siya dahil mapapalayo sa kanya ang anak, alam niyang kailangan niyang tanggapin iyon dahil para din sa future ng anak niya iyon.

Read also

Yeng Constantino, symptomatic sa COVID-19 nang biglang pumanaw naman ang ina

Buboy Villar, emosyonal nang ihatid sa airport ang panganay na anak na si Vlanz
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Kinailangang pumunta ng Amerika ni Vlanz para maayos ang kanyang dual citizenship. Hindi maitago ni Buboy ang kanyang lungkot habang sinusulit niya ang nalalabing oras na makasama ang anak.

Nang maihatid na niya sa airport ang anak, bumuhos ang emosyon ni Buboy nang makabalik na sa loob ng sasakyan. Pinilit niyang pigilin ang kanyang emosyon nang ihatid niya ang anak para hindi na nito makita ang kanyang pag-iyak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa mga netizens ang naka-relate sa nakaantig na video na ito ni Buboy:

Heartbreaking para sa isang magulang ang mapalayo sa anak..naiyak ako sobra pero para ikakabuti ng future nila kailangan magsakripisyo pareho...isa akong ofw mom of 3 ang liliit pa nila una ko sila iwan..ngayon lahat binata na...diko na sila.nagabayan nakita ang paglaki nila kz sa kakaisip ng future nila nagpabalik balik na ako sa ibang bansa ..keep praying Bok! Godbless u be strong!

Read also

Herlene Budol, emosyonal nang ibigay sa ama ang pangarap nitong motor

I feel you bro. Mahirap talaga mawala'y sa minamahal naiyak den ako sa vlog mo bok, Pero para sa future den nman ng baby mo yung ginagawa mo, salute sayo bok,
Be strong Buboy. Good thing may Zoom and messenger may means of communication kayo ni Vlanz pero syempre iba pa rin yung personal kasi nayayakap at nahahalikan mo sya. Mabilis lang ang panahon God is great you and Vla,z we'll be together again soon. God bless. Keep your faith Buboy. You're a great dad to your kids

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Chad Kinis, umani ng papuri matapos i-anunsyo na isa na siyang "Dada"

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel