Herlene Budol, emosyonal nang ibigay sa ama ang pangarap nitong motor

Herlene Budol, emosyonal nang ibigay sa ama ang pangarap nitong motor

- Sa kanyang vlog, pinakita ni Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl ang reaksiyon ng kanyang ama nang maibigay niya ang pangarap nito na magkaroon ng sarili niyang motorsiklo

- Hindi maitago ni Herlene ang kanyang pagiging emosyonal habang nakikitang tuwang-tuwa ang kanyang ama

- Tila hindi naman makapaniwala ang kanyang papa dahil napabulong pa ito sa anak at nagtatanong kung prank lang daw ba iyon

- Hindi kinaligtaan ni Herlene na pasalamatan ang kumpanyang nagbigay sa kanila ng motor na aniya ay magagamit talaga ng kanyang papa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Herlene Budol sa kanyang YouTube channel ang isang video kung saan binigay niya sa ama ang pinakahinihiling nitong magkaroon ng sarili niyang motorsiklo. Hindi naman niya maiwasang maging emosyonal habang nakikita ang ngiti ng ama sa kanyang ibinigay.

Read also

Chad Kinis, umani ng papuri matapos i-anunsyo na isa na siyang "Dada"

Herlene Budol, emosyonal nang ibigay sa ama ang pangarap nitong motor
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Tila hindi naman makapaniwala ang kanyang papa dahil napabulong pa ito sa anak at nagtatanong kung prank lang daw ba iyon. Hindi kinaligtaan ni Herlene na pasalamatan ang kumpanyang nagbigay sa kanila ng motor na aniya ay magagamit talaga ng kanyang papa.

Samantala, marami ang naantig sa video na ito ni Herlene:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang bait mo talaga,Lalo kapang pagpalain sana balikan ka ni Patrick Bolton soon nag antay Ang mga patlene you are so bless Kasi Ang bait mong Anak."
"Mabait na bata SI Herlene, walang ka plastikan kahit Wala na sya sa Kay willy okay lang Hindi din Ako nanunuod sa Kay willy..Basta masaya na Ako pag may need video sya Lalo na pag mag gi guest sya sa iba..anak ipag patuloy moyan.. importante Wala Kang inapakan na tao, at madami Kang pinasaya.."

Read also

Caffey Namindang, inulan ng suporta kasunod ng vlog ni Merck

"Naiyak ako hipon, I hope my father is still here para mabigay ko din sa kanya lahat."

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel