Jake Ejercito, kinagiliwan sa kanyang post kung saan kasama niya ang anak ni Andi na si Lilo
- Sa kanyang Instagram Story ay binahagi ni Jake Ejercito ang picture niya kung saan kasama niya ang anak na si Ellie Ejercito
- Hawak din niya ang panganay na anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo
- Kasalukuyang nasa Siargao si Jake upang makasama ang anak na si Ellie sa kaarawan nito
- Naging bukas naman sa publiko sina Jake at Andi na maayos ang kanilang samahan bilang co-parents sa kanilang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bukod sa kanilang sweet na pictures kasama ang anak na si Ellie Ejercito, binahagi ni Jake Ejercito ang isang picture kung saan hawak niya ang anak ng ex niyang si Andi Eigenmann at ni Philmar Alipayo na si Lilo.
Marami ang natuwa na makita ang maayos na samahan nina Jake at Andi sa kabila ng kanilang nakaraan. Naging bukas sa publiko ang dalawa tungkol sa pag-co-coparent nila para sa kapakanan ng anak nilang si Ellie.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kasalukuyang nasa Siargao si Jake upang makasama ang anak sa kaarawan nito. Pumunta din sa Siargao ang kapatid niyang si Jerika Ejercito at ang asawa't anak nito.
Matatandaang naging usap-usapan ang binahaging video ni Jake nang muli silang magkasama ni Ellie kamakailan.
Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens:
Loving and affectionate din ang pamilya ni Jake Ejercito, they always find ways to let Ellie feel that she's loved. And to Jake, all for the love of Ellie.
Best surprise ever!! That super tight hug from Daddy. Happy birthday Bb Girl.
So Sweet! Really Love the Father and daughter bonding
Si Jake Ejercito o Juan Emilio Ejercito sa tunay na buhay ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez. SIya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kasama siya sa seryeng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)
Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya.
Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon.
Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.
Source: KAMI.com.gh