Ivana Alawi, naiyak sa takot matapos siyang ma-reverse prank ni Amira Alawi

Ivana Alawi, naiyak sa takot matapos siyang ma-reverse prank ni Amira Alawi

- Napagplanuhan na ni Ivana Alawi ang kanyang prank para sa kanyang ina at kapatid na si Hashim Alawi

- Kinausap niya ang kapatid na si Mona Alawi upang makatulong niya sa kanyang prank kung saan balak sana niyang takutin sila

- Gayunpaman, lingid sa kanyang kaalaman ay napagkaisahan siya nina Mona at ng kanyang ina dahil siya pala ang matatakot

- Hindi nito inasahang makakapunta ang isa pa nilang kapatid na si Amira suot ang "Chuckie" costume

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napaiyak at napatakbo si Ivana matapos siyang ma-prank ng kanyang ina at tatlong mga kapatid. Bago pa man sila gumawa ng video kung saan magkukuwentuhan sila ng kwentong nakakatakot, kinausap na ni Ivana ang kapatid na si Mona upang magsuot ng nakakatakot na costume.

Ivana Alawi, naiyak sa takot matapos siyang ma-reverse prank ni Amira Alawi
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Balak sana niyang takutin ang kapatid at ina sa pamamagitan ni Mona. Habang nasa baba sila ay naroroon naman si Mona sa taas. Nagkunwari din ang ina nila na natakot kaya hindi nakahalata si Ivana na siya pala ang tunay na nabiktima ng prank.

Read also

Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon

Lingid sa kanyang kaalaman ay napagkaisahan siya nina Mona at ng kanyang ina dahil siya pala ang matatakot. Hindi niya inasahang naroroon din ang isa pa nilang kapatid na si Amira kaya natakot siya sa taong nakasuot ng Chuckie costume.

Sa tindi ng takot niya ay napatakbo siya at naiyak lalo at aminado siyang takot daw talaga siya kay Chuckie. Aniya, akala niya ay hindi makakasama sa kanila si Amira.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Read also

Chad Kinis, isa nang 'dada'; ipinakilala ang anak na si Rica Lorice

Dahil dito ay hinanap ni Ivana ang vendor para mas makilala pa at matulungan ito. Kamakailan nga ay nagkita silang muli.

Kamakailan ay patok din ang vlog ni Ivana kung saan ay napagtripan niyang i-prank ang kanyang kapatid na si Hashim.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate