Angel Locsin, aminadong swerte siya sa kanyang mother-in-law

Angel Locsin, aminadong swerte siya sa kanyang mother-in-law

- Binati ni Angel Locsin ang kanyang mother-in-law sa kaarawan nito kamakailan

- Isang sweet na mensahe ang kanyang ibinahagi para sa mommy ni Neil Arce kalakip ng larawan nito

- Ani Angel, ang kanyang biyenan ang patunay na mabubuti at adorable ang mga mothers-in-law o maaaring swerte lang daw talaga siya

- Isang simpleng pagbati naman ang binahagi ni Neil para sa ina na nagdiwang ng kanyang kaarawan nito lamang Nobyembre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang matamis na pagbati ang binahagi ni Angel Locsin para sa kaarawan ng kanyang biyenan. Ani Angel, ang kanyang biyenan ang patunay na mabubuti at adorable ang mga mothers-in-law o maaaring swerte lang daw talaga siya.

Neil Arci, hindi kinayang ituloy ang panunood sa love scene ni Angel Locsin
Neil Arce at Angel Locsin (@neil_arce)
Source: Instagram

Kalakip ng larawan nito ay ang birthday message ni Angel sa mommy ng kanyang asawang si Neil Arce:

You are a proof that mother-in-law’s are adorable and kind. or ang swerte ko lang talaga Happy birthday mother @jeanniejlo, love you!

Read also

Chad Kinis, nag-enjoy sa pamimili ng gamit para sa kanyang baby na si Rica Lorice

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman sa mga followers ni Angel ang nakapansin sa anila'y "mukhang bata" pang mother-in-law ng aktres:

Naks sana all ganyan kganda and look younger mother in laws
Mom in law? Wow! She looks so young. Gosh she looks very young I thought she's one of your peers, wouldn't have guessed she's your mom-in-law.
Mother in law mo to??? Parang magkapatid lang kau ah. Ambata pa.
mother inlaw mo siya?.. ala parang mag ka edad lng kayo kung titingnan.. ang bata ng face.. ang ganda..

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Read also

Kryz Uy at Slater Young, lalaki uli ang pangalawang anak

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel