Mayor Cezar, sinabing naiinggit lang ang mga taong kinukwestiyon ang age gap nila ng asawa

Mayor Cezar, sinabing naiinggit lang ang mga taong kinukwestiyon ang age gap nila ng asawa

- Hindi inatrasan ni Mayor Cezar Quiambao ang mga tanong ng kanyang misis na si Niña Jose

- Ito ay sa kanilang pinakabagong video kung saan sumabak silang mag-asawa sa Lie Detector Challenge

- Natanong ni Niña sa asawa kung ginusto ba nito o naisip na sana ay magkalapit ang kanilang edad at sinagot naman agad ito ng asawa ng "no"

- Ani Mayor Cezar, inggit lamang umano ang mga taong nanghuhusga sa kanilang agwat ng edad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanilang Lie Detector Challenge, naitanong ni Niña Jose sa asawang si Mayor Cezar Quiambao kung ginusto ba nito o naisip na sana ay magkalapit ang kanilang edad at sinagot naman agad ito ng asawa ng "no."

Mayor Cezar Quiambao, sinabing naiinggit lang ang mga taong nanghuhusga sa relasyon nila ng misis
Niña Jose Quiambao (@therealninajosequiambao)
Source: Instagram

Hindi naman ikinaila ni Mayor Cezar na mas gusto niyang mas bata ang kanyang misis. Kasunod nito ay tinanong ni Niña ang mister kung ano ang masasabi niya sa mga taong kumukwestiyon sa age gap nilang mag-asawa.

Read also

Niña Jose-Quiambao, sinabing gustong ipa-tattoo ang pangalan ng asawa

Ani Mayor Cezar, inggit lang ang mga taong ito sa kanilang pagmamahalan. Ang video na ito ng mag-asawa ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary.

Because it’s our anniversary today, my husband and I decided to make this vlog for you to know more about us and our relationship

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Find out who is more honest in this Anniversary Vlog with Cezar and celebrate our anniversary with us today, November 17 (PS. the game is not a real measure of our trust and loyalty to each other. Cezar and I are always honest and will always love each other no matter what the lie detector says )
To my husband, happy birthday, love! I hope you enjoyed doing this with me

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006.

Read also

Niña Jose-Quiambao, diretsahang inaming selosa siya kahit kasal na sila ng asawa

Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Noong buwan ng Marso ay kinompirma ni Mayor Quiambao na nag-positibo silang mag-asawa sa COVID-19. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi niyang maayos na ang kalagayan nilang mag-asawa matapos makatanggap ng karampatang pangangalagang medical mula sa mga doktor.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel