Doug Kramer at Cheska Garcia, sinorpresa ang mga anak sa pamamagitan ng bagong condo

Doug Kramer at Cheska Garcia, sinorpresa ang mga anak sa pamamagitan ng bagong condo

- Sa kanilang bagong YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Kramer ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak

- Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila

- Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin

- Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinorpresa ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Kramer ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng bagong condo nila kung saan may kanya-kanya na silang silid. Ang disenyo at ayos ng kanilang mga silid ay binase sa gusto ng mga bata.

Doug Kramer at Cheska Garcia, sinorpresa ang mga anak sa pamamagitan ng bagong condo
Team Kramer (@dougkramer)
Source: Instagram

Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Read also

Ogie Diaz, ibinahagi na 'di apektado sina Lolit Solis at Cristy Fermin sa kanilang bashers

Maging si Cheska ay nagpapasalamat sa mister dahil hindi na umano siya sinali sa proseso ng pagsisigurong maayos ang gawa sa kanilang condo na aniya ay sakit sa ulo. Nilinaw naman ni Doug na dahil mutual naman ang kanilang mga desisyon at pinag-uusapan sila, dapat ding pasalamatan ng anak nila ang kanilang mommy.

Ilan naman sa mga gamit nila ay ang gamit sa nauna pa nilang bahay. Pinaayos lang nila upang mapalitan ang kulay. Kagaya ng disenyo ng kanilang bahay, marami din ang kulay itim at wood sa loob ng kanilang condo na maganda din ang view.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Doug Kramer ay dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association.

Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Nauna nang pinakita ni Doug ang transformation ng condo nila ni Chesca. Kahit pa ang kanilang pamilya ay maituturing na ilan sa mga pinaka successful pagdating sa kanilang mga investment, inamin ni Doug na hindi naging madali ang kanilang pagsisimula.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel