Gardo Versoza, ibinida ang kanyang "visa" para makapag-bisikleta

Gardo Versoza, ibinida ang kanyang "visa" para makapag-bisikleta

- Dahil palagi namang ibinabahagi ni Gardo Versoza na tumutulong talaga siya sa gawaing bahay lalo na sa paglalaba, hindi na ikinagulat ng netizens ang kanyang post

- Gayunpaman, marami pa rin ang bumilib at humanga sa kanya sa pagiging responsable nitong haligi ng kanilang tahanan

- Bukod sa paglalaba ay ibinahagi din niyang nagluluto din siya para sa kanilang pamilya

- Ito umano ang kanyang "visa" para makapagbisikleta siya na isa sa kanyang mga kinahiligang gawin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tigasin man sa mga ginagampanang karakter sa telebisyon at pelikula, hindi ikinahiya ni Grado Versoza ang pagtulong niya sa gawaing bahay kagaya na lamang ng paglalaba at pagluluto para sa kanilang pamilya.

Gardo Versosa, ibinida ang kanyang "visa" para makapag-bisikleta
Gardo Versoza (@gardo_versoza)
Source: Instagram

Kahit dati pa niyang naibahagi ito sa publiko, marami pa rin ang bumilib sa kanya dahil muli niyang pinatunayan ang kanyang pagiging responsableng ama.

Read also

BB Gandanghari, muling binanatan si Ogie Diaz kaugnay sa komento nito sa payo niya

Ito umano ang kanyang visa para makapag-bisikleta.

huwag mong ikahiya kung ikaw ang tagaLABA. Tapos na labada ko kaya may VISA na para mag bisikleta. amen amen! magluluto naman ako ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng kanyang mga followers:

Ur the best! Thanks for the good vibes! Bigla kong naalala Mom mo, we used to watch her play the piano sa Rockwell mall she was so proud of you
Wow...sipag mo idol ...sana ganyan lahat nang Asawa...Swerte ni wifey ..pagpatuloy nyo Po Yan idol...ikaw Ang mabuting ihemplo
Wow..kaya nga idol na idol kita kasi ginagawa mo yong gawain na para dapat sa babae..ang suwerte ni wifey sayo IDOL cupcake..❤️ I pray that the lord will give you a long life ..god bless you IDOL

Si Mennen Torres Polintan o mas kilala sa kanyang screen name na Gardo Versoza ay isang kilalang sikat na aktor na naging bahagi ng mga pelikula at mga TV shows.

Read also

Tom sa honeymoon nila ni Carla: "Ayaw kong nagwo-worry ka, lahat 'yun ako na"

Siya ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa kanyang mga naging pelikula ay Sabik Sa Halik, Machete II, Halimuyak Ng Babae at Kirot.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang Instagram post ng aktor matapos siyang makita kasama ang ilan sa cast ng teleserye ng GMA noong kakatapos ng kanyang serye sa ABS-CBN.

Kamakailan ay kinagiliwan ang TikTok videos nila ng mga kasamahan niya sa trabaho kabilang na si Popz Fernandez at Ella Cruz.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel