Tom sa honeymoon nila ni Carla: "Ayaw kong nagwo-worry ka, lahat 'yun ako na"

Tom sa honeymoon nila ni Carla: "Ayaw kong nagwo-worry ka, lahat 'yun ako na"

- Nagpaunlak ng interview sina Tom Rodriguez at Carla Abellana dalawang linggo matapos ang kanilang wedding

- Naikwento nila kay Aubrey Carampel ng GMA News ang iba pang mga detalye mula sa preparation hanggang sa mismong araw ng kanilang kasal

- Nabanggit nila ang tungkol kanilang plano sa honeymoon na sa isang taon na nila magagawa

- Nakapagpaalam na sila sa kanilang mga boss sa GMA na makapagpahinga at magkaroon ng oras para sa kanilang mag-asawa lalo na at abala sila ngayon sa pagpapagawa ng bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng interview ang mga bagong kasal na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Nalaman ng KAMI na naikwento ng newlyweds ang ilang mga detalye tungkol sa elegante nilang kasal na lumabas pa rin na napakaganda sa gitna ng pandemya.

Read also

Ethel Booba at mga kaibigan, kinaaliwan sa kanilang "Try not to Laugh" video

Tom sa honeymoon nila ni Carla: "Ayaw kong nagwo-worry ka, lahat 'yun ako na"
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Ipinaliwanag din nila kung bakit black and white lamang ang tila naging motif ng kanilang kasal na ayon kay Carla ay pagiging praktikal. Alam nilang nag-effort na kasi ang kanilang mga bisita na magtungo pa ng Batangas para masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Siniguro rin nilang sumailalim sa COVID-19 test ang mga bisita upang mabigyan ng kapanatagan ng loob ang lahat ng dumalo.

At nang tanungin na ni Aubrey ang tungkol sa honeymoon ng dalawa, sinabi ng mga itong hindi ito mangyayari ngayon taon.

"Definitely sana out of the country, kasi ang tagal na rin naman naming hindi nakapag-travel together. So maganda din to go away. So next year, hopefully next year."

"Ako nang bahala dun. Ayaw kong mag-worry ka kaya ako na ang mag-asikaso nun. Checklist mo lang ang kailangan ko," ani Tom kay Carla.

Read also

Misis na nabawasan ng 20 kilos ang timbang, may Php50,000 mula sa naghamong mister

Narito ang kabuuan ng kanilang interview mula sa GMA News:

Si Carla Abellana ay isang Kapuso actress at ilan sa mga naging proyekto niya ay ang Rosalinda, Pamilya Roces, and To Have And To Hold. Bago pa man niya pasukin ang mundo ng showbiz nagtapos ng kolehiyo si Carla sa De La Salle University with sa kursong psychology.

October 23 nang ikasal sila ng aktor na si Tom Rodriguez sa Batangas. Marami ang natuwa para sa dalawa at sa kabila ng pandemya at napakaganda pa rin ng kanilang pag-iisang dibdib na dinaluhan ng mga taong malalapit sa puso nila.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel