Alice Dixson, isinapubliko na ang super cute na mukha ng kanyang baby girl

Alice Dixson, isinapubliko na ang super cute na mukha ng kanyang baby girl

- Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita na ni Alice Dixson ang mukha ng kanyang baby girl na si Aura

- Matapos ang rebelasyon niya noong Abril, hindi pa rin niya madalas ipakita ang mukha ni Baby Aura

- Subalit sa kanyang Instagram Stories, naibahagi ni Alice ang bonding nila ni Aura habang naka-costume ng 'The Incredibles'

- Si Alice, sa edad na 52-anyos ay isang first time mom na nabiyayaan ng anak sa pamamagitan ng surrogacy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang natuwa nang halos makita na nila ang kabuuan ng mukha ng baby girl ni Alice Dixson na si Aura.

Sa kanyang Instagram Stories, makikita sina Alice at Baby Aura na nakasuot ng kanilang 'The Incredibles' na costume.

Alice Dixson, isinapubliko na ang super cute na mukha ng kanyang baby girl
Alice Dixson kasama ang kanyang baby Aura (@alicedixson)
Source: Instagram

Bagamat at may mask sa mata ni Baby Aura, makikita na ang super cute face nito kumpara sa mga previous post ng kanyang Mama Alice kasama siya.

Read also

Ali Khatibi, nakasama ang anak nila ni Cristine Reyes na si Amarah sa Siargao

Kitang-kita na super enjoy ang mag-ina sa kanilang first Halloween together at naka-costume pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pa nilang Instagram Stories, makikita naman ang twinning OOTD nina Mommy A & Baby A.Ayon sa post, kakatapos lamang umano nila ng shoot ni Baby Aura.

Si Alice Dixson ay isang 52-anyos na Filipino-American actress, commercial model, at dating beauty queen. Isa rin siyang licensed realtor sa British Columbia, Canada, at real estate agent naman sa Florida. Mas nakilala siya noon sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang si Faye sa 90's sitcom na 'Okay ka,Fairy Ko.'

Nitong Abril ng kasalukuyang taon, ipinakilala ni Alice ang kanyang baby Aura na nakamit niya sa pamamagitan ng surrogacy.

Sa guesting niya sa 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga, idinetalye niya ang kanyang karanasan bilang isang first-time mommy.

Read also

Vice Ganda, pumila ng isang oras para sa hotdog; malalagay pa sa 'wall of fame' ng resto

Nito lamang Setyembre, ipinasilip ni Alice ang kanyang partner at sinabing 'Mama at Papa' sila ng kanilang Baby Aura.

Marami naman ang natuwa para sa aktres dahil kitang-kita ng marami ang saya nito sa kanyang family life.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel