Jed Madela sa dagok ng pandemya: "Pare-pareho tayo lahat ng pinagdadaanan"
- Buong tapang na inihayag ni Jed Madela sa interview sa kanya ni Ogie Diaz ang mga pinagdaanan niya ngayong pandemic
- Aminado siya na tulad ng karamihan, isa siya sa labis na tinamaan ng dagok ng pandemya
- Dahil dito, nagkaroon siya ng anxiety issues lalo na at mula sa pagiging trabaho, bigla na lamang umanong natigil ang lahat sa isang iglap
- Ipinaliwanag din ni Jed ang tungkol sa mga naibabahagi niyang post sa social media
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Buong tapang na ibinahagi ni Jed Madela sa interview sa kanya ni Ogie Diaz ang mga pinagdaanan niya ngayong pandemic.
Nalaman ng KAMI na tulad ng marami sa atin, isa si Jed sa mga sinubok ng pandemya at naapektuhan ang kabubhayan.
Ibinahagi rin niya na nagkaroon siya ng anxiety issues naikonsulta niya ito sa eksperto.
Ikinuwento niyang dumarating pa umano sa puntong hindi siya makahinga, hindi makali at walang tigil ang pag-iisip.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Especially now that we are going through a pandemic, ang daming changes na from a very fast paced lifestyle na lagi akong nasa abroad, lagi akong may trabaho lagi akong kumakanta, tas bigla nalang in an instant tigil lahat," pahayag ni Jed.
Ito rin ang dahilan ng ilan sa kanyang mga social media post na ikinabahala ng mga netizens.
Aminado siya na isa umano ito sa mga paraan niya ng paghingi ng tulong sa pagsubok na kanyang kinakaharap.
"I want people to see that I am also human... It's more of showing people na pare-pareho tayo ng pinagdadaanan," dagdag pa ni Jed.
Sa kabila ng lahat ng ito, musika pa rin ang kanyang takbuhan at naging aktibo siya sa live streaming at YouTube channel niya.
Si Jed Madela ay isang Filipino singer, recording artist, songwriter at TV host. Mas nakilala siya nang magwagi at magbigay karangalan sa Pilipinas nang manalo sa World Championships of Performing Arts.
Kamakailan, ikinabahala ng kanyang fans ang ilan sa mga ibinabahaging post ni Jed sa kanyang social media.
Isa na rito ang tungkol umano kalagayan niyang hindi makatulog sa kakaisip kung paano raw sila kikita ngayong bawal ang mga live shows at singing engagements dahil sa COVID-19.
Gayundin ang post niya kung saan inamin niyang 'walang-wala' at 'simut na simut' na umano siya na nakaagaw ng atensyon sa social media. Marami namang netizens ang nagpaabot ng suporta sa kanya lalo na at umpisa pa lamang halos noon ng pandemya kasabay pa ng ABS-CBN Shutdown.
Source: KAMI.com.gh