Lolit Solis, natawa sa mga komento matapos isapubliko ng McLisse ang baby nila

Lolit Solis, natawa sa mga komento matapos isapubliko ng McLisse ang baby nila

- Kasunod ng pagsasapubliko nina Elisse Joson at McCoy de Leon ng tungkol sa pagkakaroon nila ng anak, marami sa mga netizens ang kumantiyaw kina Lolit Solis at Cristy Fermin

- Anila ay mahina pala ang radar ng mga ito dahil hindi natunugan ang pagbubuntis at panganganak ng aktres

- Ayon kay Manay Lolit, natawa na lamang siya sa mga nababasa niyang mga komento kaugnay dito

- Dagdag pa niya, kapag binalita niya ay sasabihan siyang pakialamera at tsismosa at kapag hindi ay mahina siyang reporter

- Bilang mga kilalang batikan pagdating sa pagbabalita ng showbiz news, kahit ang mga komento nila Cristy at Lolit ay kadalasang nagiging usap-usapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Lolit Solis, natawa na lamang siya nang mabasa niya ang komento ng mga netizens sa kanya matapos ang pagsasapubliko nina Elisse Joson at McCoy de Leon ng kanilang pagkakaroon ng anak.

Read also

Lovely Abella, binalikan ang karanasan nila ni Benj Manalo noong walang-wala pa sila

Lolit Solis, natawa sa komento ng netizens kaugnay sa pagbubuntis ni Elisse Joson
Lolit Solis (akosilolitsolis)
Source: Instagram

Aniya, kapag binalita niya ay sasabihan siyang pakialamera at tsismosa at kapag hindi ay mahina siyang reporter.

Natawa ako sa mga comments sa IG ko, Salve. Bakit daw wala akong balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisse Joson, ang hina daw ng radar ko, dahil nagka anak ng baby girl pero hindi ko nalaman. Kalokah di bah ? Pag ibinalita mo, sasabihin pakialamera at tsismosa ka. Pag hindi mo sinulat, mahina kang klase ng reporter.

Kaya naman aniya ay hindi na niya sineseryosos ang mga komentong ito. Meron din naman umanong mga komento na nakakadagdag sa kanyang kaalaman at ipinagpapasalamat niya umano ang mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya nga ayoko ko ng take seriously iyon mga comments. Pero meron magalang at constructive na talagang grateful ako dahil dagdag knowledge din sa iyo na mabasa ang comment nila. Tutoo nga na don’t waste your time sa mga mahina ang comprehension dahil wala kang matututuhan, duon ka lang makipag usap sa mataas ang mental level para dagdag talino pa.

Read also

K Brosas, napahingi ng alak sa kalagitnaan ng madamdaming interview

Si Lolit Solis ay isang kilalang entertainment writer at talent manager. Naging bahagi siya ng ilang talkshow sa Kapuso Network.

Bukod sa kanyang pagsusulat sa isang print and digital newspaper, kadalasan ay naibabahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram.

Kaya naman ikinabahala niya nang minsan ay hindi niya mabasa ang mga komento ng netizens sa kanyang posts.

Kamakailan nga ay pinuri ni Lolit si Luis Manzano sa pagsagot nito sa mga bashers niya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel