K Brosas, napahingi ng alak sa kalagitnaan ng madamdaming interview

K Brosas, napahingi ng alak sa kalagitnaan ng madamdaming interview

- Sa kabila ng emosyonal na interview sa kanya ni Toni Gonzaga, pabirong nanghingi ng alak si K Brosas

- Naikwento niya ang kanyang mga pinagdaanan mula pagkabata hanggang ngayon na aminadong dumaranas din siya ng depresyon

- Tila mas masarap daw ang kwentuhan nila ni Toni kung may alak, kaya naman binigyan siya ng wine

- Napahingi rin siya ng salamin dahil sa makailang beses niyang pag-iyak, tiningnan niya kung ok pa ang kanyang make-up

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakuha pa rin na magbiro ng komedyante at singer na si K Brosas sa kalagitnaan ng emosyonal na interview sa kanya ni Toni Gonzaga.

Nalaman ng KAMI na buong tapang na ikinuwento ni K ang kanyang masalimuot na karanasan mula pagkabata hanggang ngayon na siya'y dumaranas ng depresyon.

K Brosas, napahingi ng alak sa kalagitnaan ng madamdaming interview
K Brosas (@K Brosas)
Source: UGC

Aminado si K na biktima umano siya ng pang-aabuso maging ng kumupkop sa kanyang tiyahin. Subalit ipinagpapasalamat pa rin niya ang pagtataguyod nito sa kanya dahil nakapag-aral siya sa magagandang eskwelahan at ito pa rin ang kanyang nalalapitan maging noong bumukod na siya.

Naikwento rin niya ang mga usapan nila ng kanyang totoong ina na tumatagos talaga sa kanyang puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At habang siya ay umiiyak na ikinikwento ito, napahirit siya ng "Sabi ko Alex wine dapat... Naku Alex! Manang may cheese ba diyan? Charot lang."

Pinabigyan naman siya ng wine ni Toni at doon naikwento ni K kung bakit siya nag-iinom.

"Gusto ko kailangan akong kumalma. Kasi 'yung utak ko, it's either punong-puno ng ideas whatsoever, problema, kaya ako nagka-libro e," paliwanag ni K.

Narito ang kabuuan ng interview mula sa Toni Gonzaga Studio:

Nakilala si K Brosas sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang susportado ng kanyang mga tagahanga.

Naging bahagi si K sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Kamakailan ay ibinahagi ni K ang kanyang naging karanasan nang tamaan siya ng COVID-19. Aniya ay dumating siya sa puntong naghuling habilin na siya.

Naiulat din ng KAMI ang tungkol sa kanyang pasasalamat sa mga proyektong ibinigay sa kanya ng TV-5 matapos siyang lumipat.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel