Daddy Bonoy at Mommy Pinty, namahagi ng biyaya sa kanilang ka-maintenance

Daddy Bonoy at Mommy Pinty, namahagi ng biyaya sa kanilang ka-maintenance

- Sa huling bahagi ng kanilang pinakahuling video na ibinahjagi sa YouTube channel, binalita ng mag-asawang Daddy Bonoy at Mommy Pinty na sumahod na sila sa kanilang channel

- Kaya naman minabuti ng mag-asawa nibahagi sa mga tao ang biyayang ipinagkaloob sa kanila

- Basi sa maiksing video na pinakita sa vlog nila, ibahahagi nila ang kanilang paghahanap ng kanilang ka-maintenance para mabigyan ng ayuda

-Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 1.2 million subscribers ang kanilang YouTube channel na BoPin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kahit kakasimula pa lang ng YouTube channel nina Daddy Bonoy at Mommy Pinty, umabot na sa mahigit 1.2 million ang kanilang subscribers. Kaya naman, hindi nakapagtataka na nakatanggap na sila kaagad ng sahod kahit kakaumpisa pa lang nila ng kanilang channel.

Daddy Bonoy at Mommy Pinty, namahagi ng biyaya sa kanilang ka-maintenance
Daddy Bonoy, Mommy Pinty, Alex Gonzaga at Mikee Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Masaya nilang ibinalita na namahagi sila sa kanilang ka-maintenance ng ayuda upang maibahagi ang kanilang natanggap na biyaya.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, idinetalye ang naganap sa kanilang engagement

Sa ipinakitang teaser para sa susunod nilang vlog, pumili sila sa mga taong kanilang madaanan para mabigyan ng pera para pambili ng kanilang gamot na pang-maintenance. Kasama nilang mag-asawa ang kapatid ni Mommy Pinty na kilala bilang si Uncle Jojo nang mamahagi sila ng pera.

Jun 30, 2021 ginawa ang kanilang channel at nito lamang Agosto 21 sila nag-umpisang mag-upload ng videos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay lalong nakilala nang magkaroon ng sariling YouTube channel ang anak nilang si Alex Gonzaga na siyang nagtulak at nagkumbinsi sa kanila na pasukin na rin ang vlogging. Kahit baguhan pa lamang sila ay umabot na sa mahigit isang milyon ang kanilang mga subscribers at milyon-milyon din ang views ng mga videos nila na ibinahagi.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Tricycle driver, niregaluhan ng kanyang mga anak ng bahay, lupa at kotse

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate