K Brosas, makailang beses na naiyak habang ikinukwento ang buhay niya
- Ilang beses na naiyak si K Brosas sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga
- Naiabahagi niya ang masalimuot na naranasan niya mula pagkabata at hanggang ngayon na marami pa rin siyang pinagdaraanang problema
- Dahil sa mga ito, nagdulot umano ng depresyon na hanggang ngayon ay kanyang patuloy na hinaharap at sinisikap na kayanin
- Aniya, ang pagbabahagi ng kanyang mga naranasan ay hindi para tularan ng mga kabataan ngunit magsilbing inspirasyon ang makailang beses na pagbangon niya sa mga hamon ng buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Makailang beses na naluha si K Brosas sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga.
Nalaman ng KAMI na buong tapang na naibahagi ni K ang buhay niya mula pagkabata kung saan inihabilin na siya ng kanyang ina sa kanyang tiya na siyang nagpalaki sa kanya.
Malaki pa rin naman ang pasasalamat ni K sa tiyahin at sa kanyang stepfather na binigyan siya ng magandang edukasyon. Nakapag-aral siya sa magagandang mga paaralan subalit inamin din niyang biktima rin siya ng pang-aabuso.
Kabi-kabilang sermon at masasakit na salita ang kanyang natamo at minsa'y humahantong na rin sa pisikal.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Hindi ko makakalimutan 'yun kasi yung marka rito ng sampal, hindi mo maipagkakailang kamay e. Sabi ko talaga sa school, sa St. Paul to ah, meh marka ako rito ng sampal, nalaglag ako sa hagdan," pagbabalik-tanaw ni K.
Magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang dumaranas ng hindi magagandang sitwasyon maging sa tunay niyang ina.
Aminado siyang magulo ang kanilang relasyon na inilarawan niyang napatawad man niya subalit hindi nangangahulugang pakikisamahan niya.
Nasaktan kasi siya kamakailan nito nang ibato sa kanya ang sisi kung bakit ganoon ang sinapit ng kanyang anak.
"Nung last na usap ng nanay ko. Madaming sinabi, kaya tinapon ko 'yung telepono. Bigla na lang akong nag-mental breakdown talaga," muling naiyak si K habang ito'y ikinikwento.
"Ang pinakamasakit na sinabi niya... mura, mura, mura, 'o bakit naging ganyan anak mo? bakiy niya gustong maging lalake? Kasalanan mo lahat 'yan. So 'yun, yun yung pinakamasakit kaya binagsak ko 'yung telepono."
Ayon pa kay K, ibinabahagi niya ito upang magsilbing inspirasyon sa kabataan at hindi para tularan.
"Naging suwail akong anak, naging rebelde, pero hindi ito tama ah. Hindi ko dinadahilan na naging masalimuot ang childhood ko kaya ako nagrebelde... Hindi 'yun excuse," paalala ni K.
Narito ang kabuuan ng makabuluhang interview sa kanya ni Toni Gonzaga:
Si K Brosas ay isang kilalang singer at komedyante at TV host sa Pilipinas. Bago niya pasukin ang pagiging artista, bahagi siya ng banda ng Gladys and the Boxers.
Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.
Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.
Kamakailan ay ibinahagi ni K ang kanyang naging karanasan nang tamaan siya ng COVID-19. Aniya ay dumating siya sa puntong naghuling habilin na siya.
Naiulat din ng KAMI ang tungkol sa kanyang pasasalamat sa mga proyektong ibinigay sa kanya ng TV-5 matapos siyang lumipat.
Source: KAMI.com.gh