Kylie Padilla, pinabilib ang netizens sa talento niya sa pagkanta

Kylie Padilla, pinabilib ang netizens sa talento niya sa pagkanta

- Marami ang humanga sa husay ni Kylie Padilla sa pagkanta sa isang video na ibinahagi sa TikTok

- Naibahagi na rin ito sa ibang social media plaforms kagaya ng Facebook at sa YouTube

- Sa bandang dulo ng video ay pabiro pang sinabi ng kanyang kasama na may kilala siyang Zombie at ang pangalan ay Cristy

- Gayunpaman, nilinaw niyang wala naman siyang sinasabing apelyido

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasunod ng paglabas ng mga videos ng pagkanta ni Aljur Abrenica, mayroon ding video ng pagkanta niya si Kylie Padilla. Sa nasabing video na unang naibahagi sa TiKTok, kinanta ni Kylie ang awiting Zombie na pinasikat ng The Cranberries.

Kylie Padilla, pinabilib ang netizens sa talento niya sa pagkanta
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Marami ang humanga sa husay ni Kylie Padilla sa pagkanta sa isang video na ibinahagi sa TikTok. Naibahagi na rin ito sa ibang social media plaforms kagaya ng Facebook at sa YouTube. Sa bandang dulo ng video ay pabiro pang sinabi ng kanyang kasama na may kilala siyang Zombie at ang pangalan ay Cristy. Gayunpaman, nilinaw niyang wala naman siyang sinasabing apelyido.

Read also

Heaven Peralejo, ibinida so social media ang kanyang angel costume

Narito ang reaksiyon at komento ng mga netizens sa kanyang pagkanta:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Grabe naman yan, lahat na lang yata nasa kanya. Total package talaga. Ang ganda na, magaling umarte, magaling din pala kumanta. May hidden talent pa siguro to.
Nakakaamaze naman. Yung akala mong nakakabilib siya sa kanyang pag-arte, nakakabilib din pala kumanta. Ikaw na talaga Amihan!
Ngayon ko lang siya narinig kumanta. Maganda pala boses niya. Iba din talaga ang isang Kylie Padilla.

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate