Ai-Ai Delas Alas, nawindang nang ilarawan ni Rayver si Lani Misalucha bilang bakulaw
- Ibinahagi ni Ai-Ai Delas Alas ang isang video clip kung saan tawang-tawa siya sa papuri ni Rayver Cruz kay Lani Misalucha
- Tila nawindang ang komedyante sa nasambit ni Rayver na bago pa naimbento ang salitang bakulaw ay nariyan na si Lani
- Nilinaw naman ni Rayver na ang ibig niya sabihin ay ang pagiging magaling na mang-aawit nito
- Hirit naman ni Ai-Ai, huwag daw sabihin sa kanya iyon dahil masasaktan siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nawindang si Ai-Ai Delas Alas sa nasambit ni Rayver Cruz na papuri sa mang-aawit na si Lani Misalucha. Ani Ai-Ai, huwag sasabihin sa kanya ang sinabi nito kay Lani dahil masasaktan siya.
Sa ibinahaging video clip ni Ai-Ai na mula sa The Clash nabanggit ni Rayver ang pagiging humble ni Lani at aniya, bago pa maimbento ang salitang bakulaw ay nariyan na siya.
Makikita naman ang reaksiyon ni Lani na tila natawa at maging si Ai-Ai.
Hahahahhaa basta @rayvercruz ha usapan naten wag na wag mo sasabihin saken yan kasi ma o offend ako ... hahahahahahhaa ... #sakittyankokakatawadito
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Maging ang mga netizens ay natawa sa naging pahayag na ito ni Rayver:
Di ko kinakaya!!! Sobrang serious pa nung pagkakasabi!!! Hugs hugs Rayver, I’m sure you meant no harm!
Ang dami Kong tawa dyan sobrang real ng patawa not scripted like others. oo nga naman ibig sabihin super galing ni lani misalucha.pang international like.lea Salonga.
Tawang-tawa talaga kami nung nanood kami ng The Clash last weekend. Pero gets din namin si @rayvercruz kung ano ibig sabihin nya. Natawa din kami kay @msaiaidelasalas kasi yun din kasi agarang pumasok sa isip eh.
Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan ay isang performer, comedienne at film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit.
Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.
Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, hindi pinalampas ng anak ni Ai-Ai ang pangmamaliit ng isang basher sa kursong kanyang tinapos.
Ito ay matapos ibahagi ni Ai-Ai kung gaano siya ka proud sa anak niya na nagtapos kamakailan ng kolehiyo.
Source: KAMI.com.gh