Teacher Dan, sinabing hindi niya sinasadya ang pagpiyok niya sa kanyang pagkanta
- Dinayo ni Ogie Diaz ang viral na music teacher na si Teacher Dan sa Cebu upang makapanayam ito
- Bago tuluyang magbahagi ng kwwento ng kanyang buhay ay tinuruan muna ni Teacher Dan si Ogie ng mga kantang nauna nang nag-viral nang kantahin niya
- Maging si mama Ogz ay hindi napigilang matawa sa pagiging natural na palabiro ni Teacher Dan
- Nakwento ni Teacher Dan kung paano siya nagsimula sa pag-vlog matapos niyang mawalan ng trabaho nang magkaroon ng pandemya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maging ang showbiz reporter na is Ogie Diaz na kilala ding komedyante at tawang-tawa kay Teacher Danica nang makaharap niya ito sa personal nang puntahan niya ang social media star sa Cebu.
Hindi pinalampas ni Mama Ogz na magpaturo sa sikat na teacher na nag-viral sa kanyang music lesson videos. Nakwento ni Teacher Dan kung paano siya napasok sa pag-vlog. Aniya, nang mawalan siya ng trabaho noong magsimula ang pandemya, pinag-ipunan niya ang pambili ng kanyang magagamit sa pag vlog.
Isa sa naitanong sa kanya ni Ogie ay kung sinasadya ba niya ang kanyang boses na isa sa naging dahilan ng kanyang pag-viral. Aniya, hindi lang daw talaga niya abot ang ilang matatas na nota kaya napipiyok siya.
Naibahagi niya rin na siya lang din sa kanilang magkakapatid ang nakapag kolehiyo dahil na rin sa kanyang pagpupursife. Kahit na-pepressure siya dahil sa kanyang kagustuhang tulungan ang kanyang pamilya,nanantiling positibo ang kanyang panaw sa buhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".
Nagsara man ang Kapamilya network, mariing nanindigan si Ogie na mananatili siyang isang Kapamilya. Kahit wala siyang TV show bunsod ng nangyari sa ABS-CBN, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paghahatid ng showbiz news at updates sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.
Naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."
Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."
Source: KAMI.com.gh