Kris Aquino at Mel Sarmiento, ibinahagi kung paano sila nagkakilala

Kris Aquino at Mel Sarmiento, ibinahagi kung paano sila nagkakilala

- Sa kanyang Instagram post, minabuti nina Kris Aquino at former Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang kanilang kwento ng pag-iibigan

- Ayon kay Kris, kahit noong nagkakasabay sila sa mga trips ay hindi siya masyadong pinapansin noon ni Mel kahit todo kwento siya

- Paliwanag naman ng dating DILG secretary, bukod sa starstruck siya kay Kris, takot din siya sa kuya nito na dating boss niya noong pangulo pa ito

- Ipinakita pa nito ang picture na kuha niya nang matyempuhan sina Kris at naka-crop pa ang picture ni Kris sa kanyang cellphone

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos nga ang kanilang pagsasapubliko ng tungkol sa kanilang engagement, marami sa mga tagahanga at tagasuporta ni Kris ang natuwa para sa kanya. Sa isang interview kung saan si Bimby ang nagtanong sa dalawa, ibinahagi nina Kris Aquino at former Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang kanilang kwento ng pag-iibigan.

Read also

Teacher Dan, sinabing hindi niya sinasadya ang pagpiyok niya sa kanyang pagkanta

Kris Aquino at Mel Sarmiento, ibinahagi kung paano sila nagkakilala
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Naging palaisipan umano noon kay Kris kung bakit parang hindi siya masyadong pinapansin ni Mel kahit todo kwento siya.

Paglilinaw ng dating DILG secretary, bukod sa starstruck siya kay Kris, takot din siya sa kuya nito na dating boss niya noong pangulo pa ito. Kamakailan lang umano nang ipakita nito kay Kris ang picture na palihim niyang kinuhanan nang matyempuhan sina Kris.

Naka-crop pa ang picture ni Kris sa kanyang cellphone na patunay na dati pa ay may gusto na siya kay Kris.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Read also

Kris Aquino, binuking kay Bimby ang "da moves" ni Mel Senen Sarmiento

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailanlang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel