Paulo Avelino, nagpaabot ng kanyang suporta kay LJ Reyes sa pinagdadaanan nito

Paulo Avelino, nagpaabot ng kanyang suporta kay LJ Reyes sa pinagdadaanan nito

- Naibahagi ni LJ Reyes na nag reach out sa kanya si Paolo Avelino sa gitna ng kanyang pinagdaanan nang maghiwalay sila ni Paolo Contis

- Aniya, hindi naman sila malapit na magkaibigan ni Paulo ngunit maayos umano ang kanilang relasyon lalo at may anak sila

- Ani Paulo, kahit anong oras umano ay pwede siyang kausapin ni LJ lalo na pagdating sa mga bagay kaugnay sa kanilang anak

- Si Paulo ang naunang karelasyon ni LJ at nabiyayaan sila ng anak, si Aki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naikwento ni LJ Reyes na si Paulo Avelino ang isa sa mga taong nagpaabot ng suporta sa kanya sa gitna ng kanyang kinaharap na mga problema kaugnay sa paghihiwalay nila ni Paolo Contis. Aniya, nagpadala umano ng mensahe si Paulo sa kanya noon at nagsabi sa kanya na pwede siyang kausapin ni LJ lalo na pagdating sa mga bagay kaugnay sa kanilang anak.

Read also

Kris Aquino at Mel Sarmiento, nagbigay ng nakakakilig na mensahe sa isa't-isa

Paolo Avelino, nagpaabot ng kanyang suporta kay LJ Reyes sa pinagdadaanan nito
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Nilinaw din ni LJ na magkaibigan sila ni Paulo ngunit hindi naman ganoon ka-close. Nabanggit tuloy ni LJ si Paulo nang tanungin siya ni Boy Abunda kung willing siyang magpunta sa Baguio with someone as friends.

Natawa nang husto si LJ at sinagot niya ang tanong. Ani LJ, willing siya at dito niya nabanggit na taga- Baguio si Paulo at friends naman sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si LJ Reyes o Lourna Jane Pujeda Reyes sa totoong buhay ay isang Filipina actress. Sumikat siya nang tangahaling isa sa Final Four sa 2nd season ng reality talent search ng GMA StarStruck.

Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Matapos ng kanilang paghihiwalay ni Paolo Contis, pumunta si LJ kasama ang dalawang mga anak na sina Aki at Summer sa America kung nasaan naroon ang pamilya ni LJ.

Read also

Kris Aquino at Mel Sarmiento, ibinahagi kung paano sila nagkakilala

Naging usap-usapan ang aktres matapos niyang dumalo sa Fashion week kung saan marami ang humanga sa kanyang kagandahan. Kinagiliwan din ang workout video nila ng anak niyang si Summer.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel