Vice Ganda, sumubok ng sisig rice at buko pie sa "palengke" ng Los Angeles

Vice Ganda, sumubok ng sisig rice at buko pie sa "palengke" ng Los Angeles

- Sinubukan ni Vice Ganda ang mga Filipino food sa Los Angeles California

- Sa dinami-rami ng kainan doon, pinili ni Vice na kumain sa "Sari Sari Store" isang Pinoy Stall sa Grand Central market

- Tinikman nila ang 'sisig rice' at 'buko bie' at nasarapan naman ang unkavogable star sa mga inihain sa kanila

- Proud din si Vice gayung napansin niyang hindi mga Pilipino ang akramihang kumakain dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumayo si Vice Ganda sa Grand Central Market sa Los Angeles California at sinubukan niya ang ilang Filipino food na kanyang nakita.

Dahil nasa LA si Vice para sa sa ilang shows, namasyal na rin siya sa Grand Central Market kung saan maraming mga kainan ang makikita roon.

Vice Ganda, sumubok ng sisig rice at buko pie sa "palengke" ng Los Angeles
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ang sa dinami-rami na maaring makainan, nakita nila ang Pinoy Stall na "Sari-sari Store" na pawang mga Filipino dishes ang inihahain.

Read also

Alma Concepcion, super proud sa anak na dean's lister sa Fordham University sa NY

Napa-order si Vice ng sisig rice at buko pie. Hindi Pinoy ang kahera at mga nagtatrabaho sa stall ngunit Pinoy daw ang may-ari nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasarapan naman si Vice sa kanyang mga natikmang pagkain at nakaramdam siya ng pagka-proud gayung karamihan ay hindi Pilipino ang mga customer roon.

Maging ang nakatabi niyang customer ay nasarapan sa barbecue na kanya namang na-order.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel niyang Vice Ganda:

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Read also

Teacher Dan, hindi nagpatinag kay Regine Velasquez sa pagkanta ng Chandelier

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 5.94 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica