Chito Miranda sa misis na si Neri: "Mas pinipilit niya pa akong magpahinga at 'wag magpuyat"

Chito Miranda sa misis na si Neri: "Mas pinipilit niya pa akong magpahinga at 'wag magpuyat"

- Nagpakita muli ng paghanga si Chito Miranda sa misis niyang si Neri Miranda

- Ito ay matapos niya ikwento ni Chito kung gaano ka-hands on mom ni Neri sa bagong baby nila na si Cash

- Ayon kay Chito, siya pa raw ang pinagpapahinga ni Neri at ayaw daw siya nitong mapuyat

- Gayunpaman, tumutulong pa rin si Chito sa pag-aalaga sa kanilang bagong baby habang inaalalayan din niya ang misis at panganay na anak nilang si Miggy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muli na namang napabilib si Chito Miranda sa misis niyang si Neri Naig Miranda na very hands-on pagdating sa bago nilang baby na si "Cash."

Nalaman ng KAMI na mas pinipilit pa umano ni Neri si Chito na magpahinga at huwag magpuyat bagay na ikinahaga ng mister sa kanyang 'wais na misis.'

Read also

Ogie Diaz sa pagbura ni AJ Raval ng post sa socmed: "'Di rin makakatiis 'yan"

Chito Miranda sa misis na si Neri: "Mas pinipilit niya pa akong magpahinga at 'wag magpuyat"
Chito Miranda kasama ang kanyang 'wais na misis' na si Neri Miranda (Photo from Chito Miranda)
Source: Facebook

Gayunpaman, sinisiguro parin ni Chito na naaalalayan niya ang misis sa pag-aalaga ng kanilang pamilya na labis niyang pinapahalagahan.

"Shout-out pala sa asawa ko na kahit bagong panganak, mas pinipilit nya pa akong magpahinga at wag magpuyat kesa tulungan sya sa pag-alaga kay Cash..." ang bahagi ng caption ni Chito sa larawan ng kanyang mag-iina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang ginagawa ko, si Neri nalang mismo ang inaalagaan ko, at nililibang ko nalang si Miggy para makabawi si Neri ng tulog tuwing may chance na magpahinga sya," dagdag pa niya.

Si Chito Miranda ay ang bokalista ng sikat na banda sa Pilipinas, ang 'Parokya ni Edgar.' Ikinasal siya sa aktres at ngayo'y isang successful businesswoman na si Neri Naig Miranda. Nabiyayaan sila ng dalawang anak, sina Miggy at ang newborn baby na si Cash.

Read also

Dating beauty queen, isang proud na transman na ngayon

Kamakailan, hinangaan ang mag-asawang sina Chito at Neri matapos na isurpresa ang nag-viral na bagong kasal na na-scam umano ng kanilang wedding organizer.

Matatandaang dumurog sa puso ng mga netizens ang larawan ng bride na hindi napigilang mapaiyak nang malamang wala palang nai-book na reception ang organizer kahit fully paid na sila rito.

Nakarating ito sa mag-asawang Miranda na naghandog sa kanila ng bonggang wedding reception. Hinarana pa sila ni Chito kaya naman mas lalong naging espesyal ang wedding reception nila.

Samantala, si Raffy Tulfo naman ang sumagot sa honeymoon ng bagong kasal kaya naman ang luha ng bride sa mismong wedding day niya ay napalitan ng saya sa dami ng tumulong sa kanilang mag-asawa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel