Teacher Dan, hindi nagpatinag kay Regine Velasquez sa pagkanta ng Chandelier
- Muling kinaaliwan ang video ng viral na teacher sa social media na si Teacher Dan
- Ito ay matapos niyang kantahin ang awiting Chandelier na kinanta ng mang-aawit na si Sia
- Bago siya kumanta, isang video muna ni Regine Velasquez ang kanyang binahagi na bumibirit din ng naturang awitin
- Matapos niyang kantahin ang Chandelier maririnig pa ang social media personality na nagsabing "basic"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanyang ibinahaging video, muling nagsabog ng good vibes ang social media personality na si Teacher Dan. Hindi siya nagpatinag sa napakataas na boses ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Kinanta niya rin ang awiting Chandelier kasunod ni Regine.
Matapos niyang kantahin ang Chandelier maririnig pa ang social media personality na nagsabing "basic" na ibig sabihin ay madali lamang para sa kanya ang kanyang kinanta.
Umabot na sa mahigit 4 na milyon ang views ng Facebook video na ito ni Teacher Dan.
Narito ang reaksiyon ng mga netizens:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Basic! Hahahhaha. Grabe sa runs. Hahaha
Sarap gawing music sa alarm clock ng boses mo sure ako dinako malalate magigising talaga ako na may inis sa umaga hahahhaha
The word "basic" got me crack'n for a minute! haha
Dahil sa pandemya, naapektuhan ng husto ang sistema ng edukasyon hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Para maiwasang lalong dumami ang mahawaan ng COVID, itinigil ang pagpasok sa paaralan at online na lamang ang karamihan sa mga klase.
Ang ilang mga guro ay naapektuhan din at nawalan ng trabaho. Kabilang si Teacher Dan sa nawalan ng trabaho ngunit hindi niya ito hinayaang maging hadlang para maipagpatuloy niya ang kanyang paghahanap-buhay.
Naging inspirasyon din kamakailan ang isang guro na nakuha pang sumagot sa kanyang mag-aaral bago siya ikasal.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh