Liz Uy at Raymond Racaza, nagdiwang ng kanilang unang wedding anniversary
- Nagdiwang ng kanilang unang Wedding anniversary ang mag-asawang sina Liz Uy at Raymond Racaza
- Ibinahagi ng celebrity stylist na si Liz ang kanilang family picture at isang maiksing video kung saan binigyan siya ng bouquet ng kanilang panganay na anak
- Ibinahagi din ni Liz ang pictures na kuha sa kanilang celebration na dalawa lang sila
- Matatandaang October noong taong 2020 nang isapubliko ni Liz ang tungkol sa kanilang engagement
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinahagi ng stylist na si Liz Uy ang kanilang family picture kung saan kasama niya ang mister na isang businessman, si Raymond Racaza at ang kanilang dalawang anak. Aniya, ipinagdiwang nila ang kanilang unang taon na umpisa pa lamang ng kanilang maraming taon pang pagsama-sama bilang isang pamilya.

Source: Instagram
Isang maikling video din ang kalakip sa nasabing post kung saan binigyan siya ng bulaklak ng kanilang panganay na anak na si Xavi.
"Yesterday, we celebrated year one of many, many years to come. Together, with Xavi and Mati, it was as always - PERFECT."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang naibahagi noon ni Liz na si Isabelle Daza ang naging tulay na magkakilala sila ni Raymond.
Isinapubliko ni Liz ang tungkol sa kanilang engagement noong October 2020, kung saan pinakita niya ang suot niyang malaking diamond ring.
Sa kanyang pagsasapubliko ng kanyang pagdadalantao sa ikalawang pagkakataon, tinawag niyang asawa si Raymond na naging paraan para malaman ng publiko na ikinasal na sila.
Ipinanganak ni Liz ang panganay na anak nila ni Raymond Racaza na si Xavi noong September 20, 2017. Ngunit noong March 2018 lamang ipinakilala sa publiko ni Liz ang anak sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Isinapubliko ni Liz ang tungkol sa engagement nila ni Raymond noong October 27 ng kasalukuyang taon.
Naging usap-usapan ang tungkol sa pagbubuntis niya kasunod ng mga makahulugang post ng dating asawa ni Racaza sa social media.
May naging pasaring ito tungkol sa pang-aagaw. Gayunpaman, sa kasalukuyan, may lumabas na balitang engaged na rin ang dating asawa ng businessman.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh