Zeinab Harake sa kanyang mga body shamers: "Di ko alam saan ako lulugar"
- Nagsalita na si Zeinab Harake kaugnay sa mga natatanggap niyang komento tungkol sa kanyang katawan
- Bagaman at marami ang humahanga na sa kabila ng pangangak niya at nanatili siyang slim na animo'y hindi siya nagdalang-tao
- Aminado si Zeinab na naapektuhan siya ng mga body shamers lalo na at tila hindi na niya alam saan siya lulugar sa mga sinasabi ng mga ito
- Kaya naman nanawagan sa mga nagkokomentong ito na itigil na ang pagba-body shame na wala umanong naitutulong kaninoman
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagasalita na sa kauna-unahang pagkakataon si Zeinab Harake kaugnay sa mga natatanggap niyang komento sa kanyang pangangatawan ngayon.
Nalaman ng KAMI na biktima umano si Zeinab ng body shaming ng mga taong hindi mapigilang magkomento ng hindi maganda.
"Kaliwa't kanan 'yung naririnig ko na 'ang payat mo', 'nakakakain ka ba?', feeling ko ha 'di ko alam saan ako lulugar," panimula ni Zeinab na noo'y pinuna rin umano ang katawan dahil naman sa pagdagdag ng timbang.
"Nung mataba ako, hiyang-hiya naman akong ipakita 'yung itsura ko noong mga panahong manas ako. Kasi ang dami kong nare-receive na comment na ang taba mo na, losyang ka na, ganito, ganyan. Tapos ngayong namayat ako... hindi ko alam saan ako lulugar"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kaya naman pakiusap niya sa mga taong nagagawang mag-body shame ng iba, "Tigilan niyo yan, stop body shaming. Seryoso, hindi siya nakakatulong."
Lalong-lalo na raw umano ang mga taong wala namang alam sa pinagdaraanan ng kanilang pinupuna.
Kwento pa ni Zeinab, nagkaproblema talaga siya sa kanyang appetite pagkapanganak. Samahan pa umano ito ng food poison kamakailan sa kanilang tahanan kaya naman talagang hirap siyang kumain.
Dahil dito, aminado si Zeinab na apektado siya sa mga komentong ito na nagiging dahilan ng madalas niyang 'breakdown' na naapulahan lamang ng kanyang mga mahal sa buhay.
Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa kanyang YouTube channel na Zeinab Harake:
Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.
Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.
Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'
Source: KAMI.com.gh