Zeinab Harake, ipinaliwanag ang kontrobersyal niyang tattoo

Zeinab Harake, ipinaliwanag ang kontrobersyal niyang tattoo

- Ipinaliwanag ni Zeinab Harake ang tungkol sa kanyang tattoo sa braso na naging kontrobersyal kamakailan

- Nilinaw ni Zeinab na wala umanong katotohanan na ito umano ay patungkol sa pananakit sa sarili tulad ng iginigiit ng ilan

- Katunayan, patungkol pa rin ito sa kanyang mga mahal sa buhay partikular na ang partner na si Skusta Clee at anak na si Bia

- Minabuti niyang linawin na ito lalo na at nagkaroon pa umano ng TikTok video tungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon, binigyang linaw ni Zeinab Harake ang tungkol sa kontrobersyal niyang tattoo.

Nalaman ng KAMI na may ilang mga taong nakapansin nito at sinasabing tungkol ito sa pananakit niya sa sarili na mariing itinanggi ng YouTuber.

Sa kanyang pinakabagong vlog na inilabas ngayong Oktubre 21, ipinaliwanag ni Zeinab ang tungkol sa kanyang tattoo na ito sa braso na patungkol pa rin pala sa kanyang mga mahal sa buhay.

Read also

Dating beauty queen, isang proud na transman na ngayon

Zeinab Harake, ipinaliwanag ang kontrobersyal niyang tattoo: "Hindi po siya laslas"
Photo: Zeinab Harake
Source: Facebook

"Explain ko na po siya sa inyo ha... Mata siya ni Daddy Sauce, kaya ko pinalagay 'yung mata ni Daddy Sauce kasi parehas sila ng mata ng anak ko, ni Bia. So 'yun yung parang perfect na tattoo meaning," ang tinutukoy niyang Daddy Sauce ay ang kanyang nobyo na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nagpalagay ako ng question mark kasi may question mark na ganito si Daddy Sauce na tattoo and itong barb wire na pinalagay ko is parang na-amaze lang ako sa kanya kaya sabi ko idikit na siya doon sa may mata... 'Yun po yung design, hindi po siya laslas," dagdag pa ni Zeinab.

Ayon pa sa kilalang YouTuber, hindi pa naman daw umaabot ang kanyang 'kapraningan' sa puntong masasaktan na niya ang kanyang sarili.

Read also

Zeinab Harake sa kanyang mga body shamers: "'Di ko alam saan ako lulugar"

"Hayaan niyo po, hindi po tayo dadating dun," ani ni Zeinab.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.

Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay. Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: Kami.com.ph

Online view pixel