Jason Tesorero, ibinunyag na 25K lang ang laman ng passbook ni Mahal
- Hindi na nakapagtimpi ang kapatid ni Mahal na si Jason Tesorero sa mga panghuhusga sa kanilang pamilya
- Isa sa mga akusasyon laban sa kanila ay mukhang pera umano sila at ito ang nais linawin ng magkakapatid
- Nang mawala umano si Mahal, ledger lamang ang kanilang natanggap kung saan nakalista ang pera ni Mahal
- Ibinahagi din niya ang laman ng passbook ni Mahal na naiabot na lamang sa kanila kamakailan lang
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naibahagi ni Jason Tesorero na 25,000 lamang ang laman ng passbook ni Mahal nang pumanaw ito. Bago siya namatay ay nakapag withdraw pa umano ang manager nito ng 80,000. Gayunpaman, hinayaan na lamang umano nila iyon dahil inintindi nila ang kalagayan ng manager ni Mahal. Ang kanilang inaalmahan ay ang akusahan silang mukhang pera.
Ito din umano ang dahilan kung bakit may mga fundraising sila para sa ipapatayong museleo ng kanilang kapatid. Dahil hindi umano nila pinapakialaman ang kita ni Mahal, wala silang kaalam-alam na walang pera ang kapatid.
Sa isang ledger na ibinigay umano sa kanila, nakalista ang pera ni mahal ngunit wala umanong naiabot sa kanilang pera. Napag-usapan na umano sana nila ito ngunit kinailangan nilang ilabas ang totoo dahil sa mga paratang sa kanilang pamilya.
Maging ang kapatid nilang nasa Amerika ay nadadamay pa umano gayong may sarili itong pera kaya minabuti ni Jason na ilabas ang katotohanan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayunpaman, nilinaw niyang hindi niya sinisiraan ang Pamilyang Molino o kahit sino pa man.
Si Mahal Tesorero o Noemi Tesorero sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).
Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.
Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh