Madam Inutz, nag-sample ng kanyang live-selling skills kahit nasa loob ng PBB house

Madam Inutz, nag-sample ng kanyang live-selling skills kahit nasa loob ng PBB house

- Kinagiliwan ng marami si Madam Inutz na kahit nasa loob ng PBB house ay nagpamalas pa rin ng kanyang husay sa pagla-live selling

- Ipinakita niya sa kanyang housemates kung paano mag-live selling gayung isa ito sa kanilang task para sa kanilang weekly budget

- Sa KUMU live streaming app, mapapanood at makakabili umano ng mga paninda ang kapwa housemates ni Madam Inutz

- Si Madam Inutz ay ang viral online seller na kinagiliwan ng marami at kasalukuyang talent ni Wilbert Tolentino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahit nasa loob ng Pinoy Big Brother house, nagpamalas pa rin ng kanyang live-selling skills si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na bahagi ng kanilang weekly task, kailangan matutong mag-live selling ang mga kapwa niya housemates.

Madam Inutz, nag-sample ng kanyang live-selling skills kahit nasa loob ng PBB house
Madam Inutz (Photo from Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

Katuwang din niya ang komedyanteng si Brenda Mage na nakipagsabayan din kay Madam Inutz sa kanyang pagbibigay sample kung paano niya ginagawa ang kanyang dating hanapbuhay.

Read also

Madam Inutz, may pa-Christmas party sa family bago pumasok sa PBB

Sa Day 4 ng mga season 10 housemates sa bahay ni Kuya, isa-isa rin na sumubok mag-live selling ang mga housemates bilang paghahanda sa kanilang task na kailangan nilang mapagtagumpayan para sa kanilang weekly budget.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa pamamagitan ng KUMU live streaming app, mapapanood ang mga housemates kung saan maaring mag-mine ng kanilang mga binebenta.

Bukod sa mga damit, mga household items din ang kanilang ilalako gamit ang live-selling tips sa kanila ni Madam Inutz.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

At ngayong Season 10 na ang naturang programa, isa sa mga pinakatutukan ngayon ng mga fans ay ang sikat na online seller na si Madam Inutz.

Read also

Nikko Natividad, ibinahagi ang ilang pictures na kuha sa kanyang stag party

Kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Ayon kay Wilbert, ito raw ang motivation niya kay Madam Inutz para pagbutihin nito ang kanyang gagawin sa pagiging isa sa mga celebrity housemate ni Big Brother.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel