Regine Velasquez, nawindang sa score nang kantahin ang sariling awitin sa karaoke

Regine Velasquez, nawindang sa score nang kantahin ang sariling awitin sa karaoke

- Ibinahagi ni Regine Velasquez ang isang maikling video ng kanilang karaoke session sa bahay

- Kinanta niya ang sariling awitin niyang "Forever" kung saan naka-duet niya si Martin Nievera

- Pinakita din ni Regine ang kanyang score na 80 at pabiro niyang kinuwestiyon iyon dahil kanta niya mismo iyon

- Marami sa mga netizens ang naaliw sa post na ito ni Regine at marami din ang nakapansin sa walang kupas na husay nito sa pagkanta

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Regine Velasquez ang isang maiksing video kung saan kumakanta sila sa bahay. Kinanta niya ang awiting "Forever" na siya din mismo ang orihinal na kumanta kasama si Martin Nievera.

Regine Velasquez, nawindang sa score nang kantahin ang sariling awitin sa videoke
Photo from Regine Velasquez (@reginevalcasid)
Source: Instagram

Pinakita din ni Regine ang kanyang score na 80 at pabiro niyang kinuwestiyon iyon dahil kanta niya mismo iyon.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Karaoke with my family. So kinanta ko yung SONG KO tapos ito lang eh!!!!!!ako nga kumanta nya!!!! Parang kailangan ko kausapin yung gumawa nito may daya eh

Marami sa mga netizens ang naaliw sa post na ito ni Regine at marami din ang nakapansin sa walang kupas na husay nito sa pagkanta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sana ganito ung kapitbahay namin. Ok lang mag hapon nag kakaraoke hindi ko irereport ke chairman
Ang taas ng standards ng scoring system haha! Grabe, kahit the brother sings so well. Bakit sinalo niyo lahat ng pinaulang musical notes ng langit?
Naintimidate po kasi yung karaoke sa inyo kaya binawian nya nalang po kayo sa score. namiss ko yang song na yan. one of my fave duet songs!

Ikinasal si Regine Velasquez sa asawang si Ogie Alcasid noong December 2010. Matatandaang naunang lumipat si Ogie sa Kapamilya network mula sa GMA-7, na kinalaunan ay sinundan din ni Regine.

Read also

Ivana Alawi, willing na maging housemate kahit na-reject na siya noon sa PBB

Kamakailan ay ibinahagi ni Regine ang kanyang kalungkutan nang malaman niya ang tungkol sa nangyari sa kapwa niya mang-aawit na si Lani Misalucha.

Naibahagi niya rin ang naging epekto ng pandemya sa kanyang pamilya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate