Cacai Mitra, nilinaw ang isyu sa Meralco billing, hindi galit kundi nagulat

Cacai Mitra, nilinaw ang isyu sa Meralco billing, hindi galit kundi nagulat

  • Cacai Mitra clarified that she is not angry at Meralco, explaining her viral post was only meant to vent her surprise at the sudden rise in electricity bills, which jumped from 50–60k last year to 94k in June
  • She confirmed that Meralco already reached out and explained that the charges were within her usual consumption, with Engineer Eric pointing out that most of the costs came from generation, transmission, system loss, and taxes rather than distribution charges
  • Mitra shared that she requested Meralco to lower the meter placement since it was more than three meters high, making it difficult to monitor, and the company was accommodating to her request
  • She also revealed that her family has been considering solar power for a long time, already receiving quotes from companies, but emphasized the need to check if their home can handle the weight of multiple panels to cover at least 70% of their consumption

Read also

Eman Bacosa Pacquiao, ipinagtanggol ng ina kasunod ng umano'y di patas na pagkatalo

Nagbigay-linaw si Cacai Velasquez-Mitra sa isyu ng kanyang Meralco bill na naging viral kamakailan. Ayon sa aktres, hindi siya galit sa kumpanya at naiintindihan niya ang kasalukuyang energy crisis. “Nag post po ako para mag vent, hindi ko naman akalain na mag viral,” ani Cacai, sabay paliwanag na nagulat lamang siya sa biglang pagtaas ng kanilang bill.

Cacai Mitra, nilinaw ang isyu sa Meralco billing, hindi galit kundi nagulat
Cacai Mitra, nilinaw ang isyu sa Meralco billing, hindi galit kundi nagulat (📷Cacai Mitra/Facebook)
Source: Facebook

Mula sa consistent na 50–60k pesos noong nakaraang taon, tumaas ito sa 71k noong Abril, 90k noong Mayo, at umabot sa 94k ngayong Hunyo. “Again, i know maraming factors sa pag taas,” dagdag pa niya.

Kinumpirma rin ni Mitra na nakipag-ugnayan na ang Meralco sa kanila. Ipinaliwanag ni Engineer Eric na ang aktwal na singil ng Meralco ay makikita sa red line, at malaking bahagi ng kabuuang charges ay mula sa generation, transmission, system loss, at iba pang passed-on charges gaya ng buwis. “Actually, mas kinu-question ko yung system loss at taxes than the distribution charges ng Meralco,” ani Cacai.

Read also

Candy Pangilinan, ibinahagi ang mabigat na pinagdaanan dulot ng pambubully kay Quentin

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod dito, humiling din siya na ibaba ang metro dahil nasa higit tatlong metro ang taas nito, kaya mahirap i-monitor. Tinugunan naman ng Meralco ang kanyang kahilingan.

Sa usapin ng alternatibong enerhiya, ibinahagi ni Mitra na matagal na nilang kinokonsidera ang solar power. May mga quotes na sila mula sa iba’t ibang kumpanya, ngunit kailangan pang masuri kung kakayanin ng kanilang bahay ang bigat ng maraming panels na kailangan para matugunan ang hindi bababa sa 70% ng kanilang konsumo. “Gusto ko din mag aircon ng 24/7 no!” biro pa niya.

Si Cacai Velasquez-Mitra ay kilala sa kanyang pagiging vocal sa social media. Ang kanyang mga post ay madalas na nagiging usapan ng publiko, lalo na kapag may kinalaman sa mga isyung nakakaapekto sa maraming tao. Ang kanyang viral post tungkol sa Meralco ay nagbigay-daan sa mas malawak na diskusyon tungkol sa transparency ng billing system at ang epekto ng dagdag na charges sa mga consumers.

Read also

Coco Martin, ibinunyag ang matinding trauma at problemang naranasan sa pamilya

Cacai Velasquez-Mitra hindi makapaniwala sa Meralco billing na napakalaking halaga Sa artikulong ito, ibinahagi ni Cacai ang kanyang pagkagulat sa laki ng bill na natanggap niya mula sa Meralco. Ang kanyang post ay agad na naging viral at nagbukas ng mas malawak na usapan tungkol sa karanasan ng mga ordinaryong customer sa pagbabayad ng kuryente.

Meralco sumagot sa reklamo ni Cacai Mitra hinggil sa bill ng kuryente Sa artikulong ito, ipinaliwanag ng Meralco na ang bill ni Mitra ay nasa loob ng normal range ng kanyang konsumo. Nagbigay sila ng detalye tungkol sa breakdown ng charges at tiniyak na walang anomalya sa kanyang account.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate