Wilbert Tolentino, nagkuwento ng pagkadismaya sa kapwa vlogger
- Wilbert Tolentino nagbahagi ng kanyang pagkadismaya sa social media matapos ikumpara ang hinaing ng isang vlogger sa kanyang sariling karanasan sa isang raket na nagkakahalaga ng P2M
- Ayon kay Tolentino, fully paid na ang kontrata at may resibo pa ngunit wala umanong naibigay na deliverables, bagay na ikinumpara niya sa umano’y pagnanakaw ng content ng ibang vlogger
- Sa kanyang post, binanggit ni Tolentino na hindi dapat ginagawa sa kapwa ang bagay na ayaw mong gawin sa iyo, lalo na kung may kinalaman sa pera
- Nag-iwan ng matinding paalala si Tolentino na gamitin ang social media sa tamang paraan at huwag gawing instrumento ng paninira o panloloko sa kapwa
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nag-viral kamakailan ang post ni Wilbert Tolentino matapos niyang magbahagi ng kanyang saloobin tungkol sa pagkadismaya sa kapwa vlogger. Sa kanyang pahayag, ikinumpara niya ang sitwasyon ng isang vlogger na nagrereklamo tungkol sa umano’y pagnanakaw ng content sa kanyang sariling karanasan sa isang raket na nagkakahalaga ng P2M.

Source: Facebook
Ayon kay Tolentino, fully paid na ang kontrata at may resibo pa, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring naibigay na deliverables. “Eh ako nga din nafufustrate din, kasi humingi cya ng raket for posting at kinontratahan nya ako ng 2M pero walang deliverables kht fully paid ako at may resibo,” aniya. Dagdag pa niya, wala raw pagkakaiba ang pagnanakaw ng content at ang umano’y pag-onse sa kanya ng P2M.
Sa kanyang post, binanggit din ni Tolentino ang paalala na hindi dapat ginagawa sa kapwa ang bagay na ayaw mong gawin sa iyo. “Kung ayaw mo gawin sayo ng kapwa, huwag mo din gawin sa iba. Lalo na involve sa PERA,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Maraming netizens ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon sa kanyang post, kabilang ang mga sumang-ayon sa kanyang paalala at ang ilan namang nagtatanong tungkol sa detalye ng kanyang karanasan. Para kay Tolentino, malinaw na mensahe ang nais niyang iparating: ang paggamit ng social media ay dapat nakatuon sa tamang paraan at hindi sa paninira o panloloko. Sa kasalukuyan ay sarado ang comment section ng naturang post ni wilbert.
Si Wilbert Tolentino ay kilala bilang businessman, vlogger, at talent manager na madalas nagbabahagi ng kanyang mga karanasan at opinyon sa social media. Bukod sa kanyang negosyo, aktibo rin siya sa paggawa ng content na nagbibigay inspirasyon at paalala sa mga netizens. Ang kanyang mga post ay kadalasang nagiging viral dahil sa matapang at diretsong mensahe.
Bukod sa kontrobersyal na post na ito, kamakailan ay naging laman din ng balita si Wilbert Tolentino dahil sa kanyang mga proyekto at paalala sa publiko.
Sa isang artikulo ng Kami.com.ph, sumabak ang MS Catering sa 5-minute Hakot Pangarap Challenge na inorganisa ni Wilbert. Ang event ay nagbigay ng saya at pagkakataon sa mga kalahok na makakuha ng mga produkto sa loob ng limang minuto.
Sa isa pang artikulo, nagbigay ng matinding paalala si Wilbert tungkol sa panganib ng online sugal at casino addiction. Ang kanyang mensahe ay nagbigay babala sa mga netizens tungkol sa epekto ng labis na pagkahumaling sa ganitong uri ng laro.
.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

