Raquel Pempengco, sinabing nasubaybayan ang paglaki ng dalawang anak
- Ipinahayag ni Raquel Pempengco na nasubaybayan niya ang paglaki ng kanyang mga anak kahit abala siya sa pagtatrabaho
- Sinabi niyang ginagawa niya ang lahat upang mapunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak kahit hindi siya kumakain at naglalakad lamang para mabili ang kanilang gusto
- Ibinahagi niya na hindi siya nag-abroad dahil hindi niya kayang iwanan ang kanyang mga anak na wala nang ama at ina
- Muling lumutang ang mga pahayag mula sa libro ni Jake Zyrus kung saan isinapubliko niya ang mga mapait na karanasang pinagdaanan niya noong kabataan
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Matapang na ipinahayag ni Raquel Pempengco, ina ng singer na si Jake Zyrus, na hindi siya kailanman nagpabaya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak, sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap niya bilang isang ina.

Source: Instagram
Sa isang emosyonal na pahayag, sinabi ni Raquel na kahit abala siya sa pagtatrabaho noon, sinigurado niyang kasama niya ang kanyang mga anak tuwing gabi. “Kahit na nagwo-work ako noon, ill make sure na kasama ko mga anak kong matulog gabi-gabi. Nawalay lang sila sa pagtulog nung nag-start sumikat si Charice,” aniya.
Ayon pa kay Raquel, ginagawa niya ang lahat upang mapunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak, kahit na nangangahulugan ito ng pagsasakripisyo ng sarili niyang kaligayahan. “Hindi ako nakakain at naglalakad lang ako para mabili ko ‘yun gabi-gabi kasi alam ko na naghihintay kayo magkapatid,” paglalahad niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sinabi rin niya na kahit gusto niyang magtrabaho sa ibang bansa, hindi niya ito ginawa dahil hindi niya kayang iwanan ang kanyang mga anak. “Naisip ko, wala na silang daddy, wala pang mommy, kaya mag-isa ko silang pinalaki na walang sino mang tumulong,” dagdag pa niya.
Bagama’t wala siyang direktang nabanggit, muling lumutang at naging usap-usapan online ang ilang pahayag mula sa libro ni Jake Zyrus, kung saan isinapubliko niya ang diumano’y mga mapait na karanasang pinagdaanan noong kabataan niya.
Sa kabila nito, nanindigan si Raquel na ginawa niya ang lahat para sa kanyang pamilya, at umaasa siyang mauunawaan ng publiko ang kanyang panig.|

Read also
Herlene Budol, ayaw na makatrabaho si Rob: “Nilulunok ko na lang lahat ng mga masasakit na salita”
Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.
Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos.
Si Raquel Pempengco, ina ng singer na si Jake Zyrus, ay nagbahagi ng kanyang pananaw kaugnay sa isyu ng pasasalamat at paggalang sa magulang. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Raquel ang kahalagahan ng pagrespeto sa mga magulang, lalo na ang mga ina, na ayon sa kanya, ay may malalim na epekto sa kaligayahan at tagumpay ng isang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh