Frenchie Dy, emosyonal na binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong Bell's Palsy attack
- Ibinahagi ni Frenchie Dy na muling umatake sa kanya ang Bell’s Palsy sa ikatlong pagkakataon habang kumakain kasama ang kanyang asawa
- Agad siyang nagpunta sa ospital upang magpasuri at kinumpirma ng doktor na Bell’s Palsy nga ang kanyang kondisyon
- Naging emosyonal siya sa kanyang Facebook videos ngunit tiniyak niyang lalabanan niya ang sakit sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan
- Sinabi niyang una siyang nagkaroon ng Bell’s Palsy noong Grade 5, sumunod noong 2006, at ngayon ay bumalik muli makalipas ang 19 na taon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kasalukuyang nagpapagaling ang singer at vocal powerhouse na si Frenchie Dy matapos siyang tamaan muli ng Bell’s Palsy sa ikatlong pagkakataon. Sa isang serye ng videos sa Facebook, inilabas niya ang kanyang saloobin at ibinahagi ang kanyang karanasan sa naturang kondisyon.
![Frenchie Dy, emosyonal na binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong Bell's Palsy attack Frenchie Dy, emosyonal na binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong Bell's Palsy attack](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/d36aaa9c282b4e73.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Ayon sa ilang health websites, ang Bell’s Palsy ay isang karamdaman na nagdudulot ng biglaang panghihina o pagkaparalisa ng mga kalamnan sa isang bahagi ng mukha.
Karaniwan itong dulot ng pamamaga o impeksyon ng facial nerve, na responsable sa pagkontrol ng pagngiti, pagkurap ng mata, at iba pang galaw ng mukha. Bagama’t pansamantala sa karamihan ng mga kaso, may posibilidad itong magtagal o magdulot ng bahagyang permanenteng pinsala.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Noong Pebrero 4, sa kanyang unang video, inamin ni Frenchie Dy na muling umatake ang Bell’s Palsy habang kumakain kasama ang kanyang asawa.
Dahil dito, agad siyang nagpunta sa ospital upang magpasuri. Sa sumunod na video, hindi niya napigilan ang kanyang emosyon habang inilalahad ang kanyang nararamdaman.
"Medyo naiiyak ako kasi pinanghinaan ako ng loob," ani Frenchie. Gayunpaman, sa kabila ng pangamba, ipinakita rin niya ang kanyang determinasyon na malampasan ang pagsubok.
"Pero I know na maraming nagpe-pray for me… Nandiyan ang asawa ko, nandiyan ‘yung mga anak ko, my friends. Lahat ng sumusuporta sa’kin, nandiyan. So kaya ko ‘to. Laban lang."
Kasunod nito, ipinakita niya ang mga gamot na nireseta sa kanya, kabilang ang Vitamin B Complex, steroids, at painkillers. Sinabi rin niyang sasailalim pa siya sa ilang tests upang matukoy ang dahilan ng paulit-ulit niyang Bell’s Palsy.
Ikinuwento rin ni Frenchie ang kanyang matagal nang laban sa sakit. Una niyang naranasan ang Bell’s Palsy noong siya ay nasa Grade 5 pa lamang. Ang pangalawang pag-atake ay noong 2006, dalawang taon matapos niyang magwagi sa “Star in a Million.”
Ngayong 2024, halos dalawang dekada ang lumipas, muli niyang nararanasan ang naturang kondisyon.
"So after 19 years, eto na naman siya. Nakakaloka kasi ‘yung dila ko—iba ang lasa. ‘Yung kanan na dila ko, walang lasa, ‘yung kaliwa may lasa. So ang weird talaga," kwento niya.
Si Frenchie Dy ay kinilala bilang isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa bansa matapos siyang tanghaling Grand Winner ng “Star in a Million” noong 2004, kung saan tinalo niya sina OJ Mariano at Nyco Maca.
Sa kabila ng hamon ng Bell’s Palsy, patuloy na nagpapakatatag si Frenchie at umaasang mabilis siyang gagaling sa tulong ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at tagasuporta.
Kilala si Frenchie sa kanyang mahusay na pagkanta at pagbirit na mala Miriah Carey.
Masayang winelcome ang kanyang ika-apat na anak at sa pamamagitan ng kanyang social media account, naispatan ng KAMI ang mga super cute na larawan ng kanyang 3-araw na sanggol na si Baby Gypher.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh