Frenchie Dy, nagbahagi ng super cute pics ng kanyang 3-day-old Baby Gypher

Frenchie Dy, nagbahagi ng super cute pics ng kanyang 3-day-old Baby Gypher

- Frenchie Dy, nag-share ng ilang mga super cute pictures ng kanyang 3-day-old Baby Gypher

- Nanganak na nga ang singer-actress sa kanyang ika-apat na baby

- May sweet caption naman si Frenchie na isinulat sa nasabing post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Frenchie Dy, masayang winelcome ang kanyang 4th child at sa pamamagitan ng kanyang social media account ay naispatan ng KAMI ang mga super cute pics ng kanyang 3-day-old Baby Gypher.

Nag-post ang singer-actress sa kanyang Instagram page ng series of pictures ng kanyang super adorable 4th baby.

At sa caption ay ipinahayag niya ang kasiyahan sa pagdating ng kanyang newborn baby.

Saad pa ni Frenchie sa kanyang caption:

"Happy rainy morning everyone! ...Hello po! Ako po si Baby Gypher!...3days old na po ako pero sabi po nila mukha daw po akong 1month.hihihi! Ang sarap po kase ng iniinom kong milk sa tyan ni mommy, galing daw po sa MACAO..."

Nagpasalamat naman ang celebrity mom sa lahat na nagdasal sa safe delivery niya at sa lahat ng doctors na nagpa-anak sa kanya.

"Thank you po sa lahat ng nag-pray sa amin ni Mommy. Salamat din po sa mga doctors na nag-alaga sa amin."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bago nito ay nag-share si Frenchie ng picture ng kanyang tatlong anak at inanunsyo ang pagdating ng ika-apat niya.

Winelcome din ni Jerika Ejercito ang kanyang ika-apat na anak noong July 13 ng hapon, ayon na rin sa naunang balita.

Si Frenchie Dy ang nanalo sa 2nd season ng Kapamilya reality singing competition na 'Star in a Million.'

Sumabak din siya sa aktingan sa pelikula nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban na 'Every Breath You Take,' ayon pa sa balita na una naming naispatan sa push.com.ph.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to play Pinoy Tongue Twisters with our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel