Suspek sa pagpaslang sa negosyante, itinangging siya si Lope Jimenez
- Itinanggi ng suspek na si Victor Vidal Dueñas na siya ay sangkot sa pagpatay kay Ruby Rose Barrameda noong 2007
- Iginiit ni Rochelle Barrameda na ang suspek ay si Lope Jimenez, tiyuhin ng asawa ni Ruby Rose
- Natagpuan ang mga labi ni Ruby Rose sa isang steel drum na puno ng semento noong 2009 sa lupaing pag-aari ng pamilya Jimenez
- Narekober ng mga awtoridad ang mga ID, susi ng posas, at iba pang gamit mula sa suspek sa kanyang pag-aresto
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Mariing itinanggi ng isang suspek na siya ay sangkot sa kontrobersyal na pagdukot at pagpatay noong 2007 sa negosyanteng si Ruby Rose Barrameda, kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda. Ayon sa suspek, napapanood lamang umano niya noon sa balita ang naturang krimen.
Kinilala ang suspek bilang si Victor Vidal Dueñas, 62 taong gulang at residente ng Puerto Princesa, Palawan at Ayala Alabang. Gayunpaman, iginiit ni Rochelle Barrameda sa social media na ang suspek ay si Lope Jimenez, tiyuhin ng asawa ni Ruby Rose na si Manuel “Third” Jimenez III.
Mula nang mawala si Ruby Rose noong Marso 2007, natuklasan ang kanyang mga labi makalipas ang dalawang taon sa loob ng isang steel drum na puno ng semento. Ang drum ay natagpuan sa lupaing pagmamay-ari ng fishing company ng pamilya Jimenez. Bagama’t may mga testimonya laban sa pamilya Jimenez, kabilang si Lope, napawalang-sala sila sa kaso.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Itinanggi ni Dueñas na siya si Lope Jimenez, ngunit nanindigan si Rochelle na siya nga ang lalaking matagal nang umiiwas sa hustisya. Sa pag-aresto kay Dueñas, narekober ng mga awtoridad ang mga ID na nasa pangalang "Victor Vidal Dueñas," pati na rin ang isang susi ng posas at iba pang gamit na maaaring may kaugnayan sa kaso.
Patuloy ang imbestigasyon sa muling pagbubukas ng kaso upang makamit ang hustisya para kay Ruby Rose Barrameda.
Si Ruby Rose Barrameda y Bautista ay isang negosyante. Siya ay huling nakita noong Marso 14, 2007, matapos makipagkita sa isang abogado kaugnay ng annulment case laban sa kanyang asawa, si Manuel Jimenez III. Ang pagkawala ni Ruby Rose ay nagdulot ng matinding pangamba sa kanyang pamilya, lalo na’t hindi siya muling nagpakita o nagbigay ng anumang senyales ng kanyang kinaroroonan.
Makalipas ang dalawang taon, noong Hunyo 2009, natuklasan ang mga labi ni Ruby Rose sa loob ng isang steel drum na ibinaon sa Navotas Fish Port. Ang katawan niya ay nakabalot sa semento at mga industrial material, isang malinaw na indikasyon ng maingat na plano upang maitago ang krimen.
Matatandaang dismayado ang pamilya ng dating aktres na si Rochelle Barrameda sa pagkakabasura ng kasong Parricide laban sa asawa ng kapatid niyang si Ruby Rose.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh