Joey Salceda nag file ng bagong bill upang mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN
- Naghain si Albay Rep. Joey Salceda ng panukalang batas para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
- Binanggit sa House Bill 11252 na walang nilabag ang ABS-CBN sa ownership restrictions at wala itong utang na buwis ayon sa SEC at BIR
- Layunin ng panukala na maibalik ang operasyon ng ABS-CBN upang mapalawak ang access ng publiko sa impormasyon
- Umaasa si Salceda na makakakuha ng suporta ang panukala mula sa kanyang mga kapwa mambabatas
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naghain si Albay Representative Joey Salceda ng panibagong panukalang batas ngayong araw upang mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN, mahigit tatlong taon matapos mawalan ng operasyon ang network noong 2020.
Sa ilalim ng House Bill 11252, iginiit ni Salceda na ang ABS-CBN ay walang nilabag na ownership restrictions at wala ring naka-pending na obligasyon sa buwis batay sa mga ulat mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) at Bureau of Internal Revenue (BIR).
“The Securities and Exchange Commission and the Bureau of Internal Revenue… certified that the franchise grantee did not violate ownership restrictions and did not have pending tax liabilities,” bahagi ng nakasaad sa panukalang batas.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naniniwala ang mambabatas na mahalagang maibalik ang operasyon ng ABS-CBN upang mas mapalawak ang access ng publiko sa impormasyon, lalo na sa mga remote na lugar sa bansa. Umaasa rin si Salceda na makakakuha ito ng suporta mula sa kanyang mga kapwa mambabatas sa Kongreso.
Samantala, kasalukuyan namang pinag-uusapan sa social media ang usapin ng pagbabalik ng network, na patuloy na nahahati ang opinyon ng publiko at mga kritiko tungkol dito.
Ang ABS-CBN (Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network) ay isa sa pinakamalaking media at entertainment companies sa Pilipinas. Itinatag ito noong 1946 at kilala bilang kauna-unahang commercial television network sa Asya.
Noong Mayo 2020, nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN matapos hindi aprubahan ng Kongreso ang kanilang aplikasyon para sa renewal. Dahil dito, tumigil ang kanilang operasyon sa free-to-air TV at radyo, ngunit patuloy nilang ipinapalabas ang kanilang mga programa sa cable, satellite, at online platforms tulad ng iWantTFC at YouTube.
Matatandaang marami ang nadurog ang puso sa viral post ng dating ABS-CBN employee na si John Robert Portentado. Pumanaw ang misis ni Portentado at sinundan naman ito ng pagkawala ng kanyang trabaho sa ABS-CBN dahil sa hindi na mai-rerenew na prangkisa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh