ABS-CBN employee na namatayan ng misis, doble dalamhati sa pagkawala rin ng trabaho

ABS-CBN employee na namatayan ng misis, doble dalamhati sa pagkawala rin ng trabaho

- Viral ang post ng isang empleyado ng ABS-CBN na dumaraan sa matinding pagsubok ngayon

- Bukod kasi sa pagkamatay ng kanyang misis na kanyang ipinagluluksa, sumabay pa rito ang kawalan niya ng trabaho sa pagsasara ng istasyon

- Napakahirap sa kanyang kalagayan na makikita ang mga anak na lalaking walang ina at ang mas mahirap sa ngayon ay kung pano na niya ito bubuhayin gayung nawalan na siya ng hanapbuhay

- Umani ng pagsuporta ang empleyadong ito at karamihan sa mga netizens ay naghahangad na makabangon ito sa matinding dagok na kinakaharap nito bukod pa sa pandemyang bumabalot sa mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

ABS-CBN employee na namatayan ng misis, doble dalamhati sa pagkawala rin ng trabaho
John Robert Portentado, dating empleyado ng ABS-CBN Source: Jobert FP Facebook
Source: Facebook

Marami ang nadurog ang puso sa viral post ng dating ABS-CBN employee na si John Robert Portentado.

Nalaman ng KAMI na pumanaw ang misis ni Portentado kamakailan at sinundan naman ito ng pagkawala ng kanyang trabaho sa ABS-CBN dahil sa hindi na mai-rerenew na prangkisa.

"Ipinagluluksa ko lang sana ngayon, ang asawa ko. Pero mawawalan na naman ako."

"Wala nang mga ate, mga kuya, mga batang kapatid, mga kaibigan, mga kapamilya sa trabaho. Wala na akong trabaho," pahayag ni 'Jobert FP' sa kanyang emosyonal na Facebook post.

Ang masakit pa raw sa nangyayari ngayon ay ang makita ang mga anak niya na lalaki na lamang na walang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ngayon, isa pang pinoproblema niya ay kung ano ang ipapakain sa mga ito sa mga susunod na araw ngayon at wala na siyang trabaho kasabay pa ng pandemyang bumabalot sa mundo.

Hindi madaling makahanap ng panibagong trabaho sa ngayon dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19, di lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Ngunit hindi pa rin nakalimutan ni Portentado na hindi lamang siya ang nawalan at nahihirapan sa ngayon kaya naman hiniling niya ang dasal para sa bansang Pilipinas.

Umani ng mensaheng pagsuporta ang post ni Portentado at karamihan sa mga ito ay naghahangad na makabangon ito sa matinding pagsubok na hinaharap niya sa ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hulyo 10 nang tuluyan nang ibinasura ng Committee on Legislative Franchises of the House of Representatives ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa higanteng network ng bansa na labis na ikinalungkot ng marami.

Dahil dito, sadyang maraming empleyado ng network kasama na ang mga atrista na nawalan at mawawalan ng trabaho na sadyang napakahirap sa panahon ngayon kung saan dinaranas pa ng bansa ang matinding krisis dala ng COVID-19.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica